Himamaylan
lungsod ng Pilipinas sa lalawigan ng Negros Occidental / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Lungsod ng Himamaylan (Hiligaynon: Dakbanwa sang Himamaylan,Wikang Kastila: Ciudad de Gimamaylan) ay isang pangatlong uri ng lungsod sa lalawigan ng Negros Occidental, Pilipinas. Ito ay 83 kilometro timog ng Bacolod — kabisera ng lalawigan. Dahil sa pagkabaybayin nito, mayaman ang lungsod sa yamang-dagat gaya ng isdâ, talabá at tahóng. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 116,240 sa may 28,225 na kabahayan.
Agarang impormasyon HimamaylanDakbanwa sang Himamaylan Lungsod ng Himamaylan, Bansa ...
Himamaylan Dakbanwa sang Himamaylan Lungsod ng Himamaylan | |
---|---|
Palayaw: Maylan Tahanan ng Himaya-an Festival at ng Patik Kawayan | |
Bansag: Onward To More Progress | |
![]() Mapa ng Negros Occidental na nagpapakita sa lokasyon ng Himamaylan. | |
![]() | |
Mga koordinado: 10°06′N 122°52′E | |
Bansa | ![]() |
Rehiyon | Kanlurang Kabisayaan (Rehiyong VI) |
Lalawigan | Negros Occidental |
Distrito | Panglimang Distrito ng Negros Occidental |
Mga barangay | 19 (alamin) |
Ganap na Lungsod | Ika-5 ng Marso, 2001 |
Pamahalaan | |
• Punong Lungsod | Rogelio Raymund I. Tongson Jr. |
• Manghalalal | 73,697 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 367.04 km2 (141.71 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 116,240 |
• Kapal | 320/km2 (820/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 28,225 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-3 klase ng kita ng lungsod |
• Antas ng kahirapan | 25.44% (2021)[2] |
• Kita | ₱835,433,141.28 (2020) |
• Aset | ₱2,676,823,518.82 (2020) |
• Pananagutan | ₱640,270,945.19 (2020) |
• Paggasta | ₱767,536,305.49 (2020) |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) |
Kodigong Pangsulat | 6108 |
PSGC | 064510000 |
Kodigong pantawag | 34 |
Uri ng klima | Tropikal na klima |
Mga wika | Wikang Hiligaynon wikang Tagalog |
Websayt | himamaylancity.gov.ph |
Isara
Nagíng lungsód ang Himamaylan noong ika-5 ng Marso taong 2001 sa proklamasyon ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo sa ilalim ng RA 9028. Ito ay ang nag-iisang lungsod sa ika-5 Distrito ng Negros Occidental.