Hilagang Irlanda
isang bahagi ng Nagkakaisang Kaharian From Wikipedia, the free encyclopedia
isang bahagi ng Nagkakaisang Kaharian From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Hilagang Irlanda (Ingles: Northern Ireland, Irlandes: Tuaisceart Éireann [ˈt̪ˠuəʃcəɾˠt̪ˠ ˈeːɾʲən̪ˠ] ( listen);[1] Ulster-Eskoses: Norlin Airlann) ay iba't iba ang pagsasalarawan bilang isang bansa, lalawigan, o rehiyon na bahagi ng Reino Unido.[2][3][4][5][6] Matatagpuan sa hilagang-silangan ng pulo ng Irlanda, ibinabahagi ang hangganan nito sa timog at kanluran sa Republika ng Irlanda. Noong 2011, mayroon itong populasyon na 1,810,863,[7] na binubuo ng mga 30% na populasyon ng pulo at mga 3% ng populasyon ng Reino Unido. Ang Asembliya ng Irlanda (kolokyal na tinutukoy bilang Stormont dahil sa lokasyon nito), ay itinatag sa pamamagitan ng Batas ng Hilagang Irlanda ng 1998, na may responsibilidad sa iba't ibang pabago-bagong polisiya, habang nakareserba ang ibang larangan sa pamahalaang Britaniko. May kooperasyon ang Hilagang Irlanda at Republika ng Irlanda sa ilang parte.[8]
Hilagang Irlanda Northern Ireland Tuaisceart Éireann | ||
---|---|---|
constituent country of the United Kingdom | ||
| ||
Mga koordinado: 54°36′27″N 6°41′33″W | ||
Bansa | United Kingdom | |
Itinatag | 8 Mayo 1921 | |
Kabisera | Belfast | |
Bahagi | Talaan
| |
Pamahalaan | ||
• Uri | Monarkiyang konstitusyonal | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 14,130 km2 (5,460 milya kuwadrado) | |
Populasyon (2015) | ||
• Kabuuan | 1,852,168 | |
• Kapal | 130/km2 (340/milya kuwadrado) | |
Sona ng oras | UTC+01:00 | |
Kodigo ng ISO 3166 | GB-NIR | |
Wika | Ingles, Wikang Irlandes |
Nalikha ang Hilagang Irlanda noong 1921, nang hinati ang Irlanda sa pamamagitan ng Batas ng Pamahalaan ng Irlanda ng 1920. Karamihan sa populasyon ng Hilagang Irlanda ay unyonista, na gustong manatili sa Reino Unido.[9] Pangkalahatan silang inapo ng kolonista mula sa Gran Britanya. Habang ang mayorya sa Katimugang Irlanda (na naging Malayang Estadong Irlandes noong 1922), at isang mahalagang minorya sa Hilagang Irlanda, ay nasyonalistang Irlandes at mga Katoliko na nais ang isang pinag-isang malayang Irlanda.[10][11][12][13] Ngayon, tinitingnan ng mga unyonista ang kanilang sarili bilang Britaniko habang ang mga nasyonalista naman bilang Irlandes, habang ang identidad na Hilagang Irlandes o Ulster ay inaangkin ng isang malaking minorya na mula sa iba't ibang pinagmulan.[14]
Ang Hilagang Irlanda ay naglalaman ng anim na makasaysayang mga kondado. Ang mga ito ay: County Antrim, County Armagh, County Down, County Fermanagh, County Londonderry, at County Tyrone.
Ang mga kondadong ito ay hindi na ginagamit bilang lokal na pamahalaan sapagkat pinalitan nila ito ng labing isang distrito na pinalitan rin ang dalawangpu't anim na distrito noong 2015.
Ang sampung pinakapopuladong mga lungsod at bayan sa Hilagang Irlanda ay:
1 | Belfast | 334,420 |
2 | Derry | 84,750 |
3 | Lisburn | 71,403 |
4 | Greater Craigavon | 68,890 |
5 | Newtownabbey | 66,120 |
6 | Bangor | 62,650 |
7 | Ballymena | 30,590 |
8 | Newtownards | 28,860 |
9 | Newry | 28,080 |
10 | Carrickfergus | 27,640 |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.