Higashimatsushima
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Higashimatsushima o Higashi-Matsushima (東松島市 Higashimatsushima-shi), literal na "Silangang Matsushima," ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Miyagi, Hapon. Magmula noong 1 Hunyo 2020[update] , may tinatayang populasyon ito na 39,580 katao sa 16102 mga kabahayan, [1] at daming 390 tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 101.36 square kilometre (39.14 mi kuw).
Higashi-Matsushima 東松島市 | |||
---|---|---|---|
Lungsod | |||
Gusaling Panlungsod ng Higashimatsushima | |||
| |||
Kinaroroonan ng Higashimatsushima sa Prepektura ng Miyagi | |||
Mga koordinado: 38°25′34.5″N 141°12′37.5″E | |||
Bansa | Hapon | ||
Rehiyon | Tōhoku | ||
Prepektura | Miyagi | ||
Pamahalaan | |||
• Alkalde | Iwao Atsumi | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 101.36 km2 (39.14 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (Hunyo 1, 2020) | |||
• Kabuuan | 39,580 | ||
• Kapal | 390/km2 (1,000/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon) | ||
- Puno | Pino | ||
- Bulaklak | Sakura | ||
Bilang pantawag | 0225-82-1111 | ||
Adres | 36-1 Kamikawado, Yamoto, Higashimatsushima-shi, Miyagi-ken 981-0503 | ||
Websayt | Opisyal na websayt (sa Hapones) |
Ang lugar ng kasalukuyang Higashimatsushima ay bahagi ng sinaunang Lalawigan ng Mutsu, at tinirhan na ng liping Emishi mula noong panahong Jōmon. Noong panahong Nara, napasailalim ang lugar sa kapangyarihan ng mga kolonisador mula sa dinastiyang Yamato na nakabase sa kalapit na Tagajō. Noong panahong Sengoku, pinagtatalunan ng iba-ibang mga angkang samurai ang lugar bago ito sumailalim sa kapangyarihan ng angkang Date ng Dominyong Sendai noong panahong Edo. Kasunod ng pagpapanumbalik ng Meiji, binuo sa lugar ang Distrito ng Monō, Prepektura ng Miyagi. Itinatag ang bayan ng Yamoto noong Abril 1, 1940, at noong Mayo 3, 1955 naman ang bayan ng Naruse.
Itinatag ang lungsod ng Higashimatsushima noong Abril 1, 2005, nang sinanib ang mga bayan ng Naruse at Yamato.
Ang Higashimatsushima ay matinding tinamaan ng lindol at tsunami noong Marso 11, 2011 na humantong sa hindi bababa sa 1,039 mga namatay,[2] at ang pagkawasak ng higit sa 11,000 mga estruktura, o humigit-kumulang dalawang-katlo ng mga gusali sa lungsod. Sa kasagsagan ng pananalasa ng tsunami, inihitsa papaloob sa lungsod mula sa piyer ang Chōkai Maru, isang 45-metrong barko. Nang naganap ang sakuna, hindi pa tuluyang nakakabangon ang Higashimatsushima mula sa isang lindol noong 2003.[3][4] Humigit-kumulang 63% ng lungsod ay binaha ng tsunami.[5]
Ang Higashimatsushima ay nasa silangang bahagi ng Prepektura ng Miyagi sa rehiyon ng Tōhoku ng hilagang Honshu. Kahangga ng lungsod ang Look ng Matsushima sa kanluran at ang Look ng Ishinomaki (bahagi ng Karagatang Pasipiko) sa timog. Ang baybaying-dagat nito ay bumubuong bahagi ng Pambansang Liwasan ng Sanriku Fukkō, na umaabot sa Prepektura ng Aomori sa hilaga.
Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[6] karamihang tumataas ang populasyon ng Higashimatsushima sa nakalipas na 40 mga taon.
Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1920 | 19,142 | — |
1930 | 21,862 | +14.2% |
1940 | 23,423 | +7.1% |
1950 | 37,363 | +59.5% |
1960 | 33,654 | −9.9% |
1970 | 32,192 | −4.3% |
1980 | 36,865 | +14.5% |
1990 | 40,424 | +9.7% |
2000 | 43,180 | +6.8% |
2010 | 42,903 | −0.6% |
Ang Higashimatsushima ay nakagisnang sentro ng komersiyal na pangingisda, lalo na sa pagpapaalaga ng mga talaba, at sa turismo. Matatagpuan sa Higashimatsushima ang Palapagan ng Matsushima (Matsushima Air Field) ng Japan Air Self Defense Force.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.