Wikang Aproasyatiko From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Hebreo o Ebreo (Hebreo: עברית, ’Ivrit Bigkas sa wikang Hebreo: [ivˈʁit] o [ʕivˈɾit] ( pakinggan)) ay isang wika Hilangang-kanlurang Semitikong na katutubo sa Israel na muling binuhay noong ika-19 na siglo CE at naging opisyal na wika ng Estado ng Israel noong 1948 sa pagkakatatag nito. Noong 2013, higit sa siyam na milyong katao ang nagsalita ng Modernong Ebreo.[7] Sa kasaysayan, itinuring ito bilang wika ng mga Sinaunang Israelita at ang kanilang ninuno, ngunit hindi ito tinutukoy gamit ang pangalang "Hebreo" sa Tanakh mismo.[note 1]Ang pinakamaagang rekord ng Alpabetong Paleo-Hebreo ay lumitaw noong ca. 1000 BCE.[8] Nabibilang ang Hebreo sa Wikang Kanlurang Semitikong sangay ng mga wikang Apro-asyatikong. Ang wikang Hebreo ay tumigil sa pagiging sinasalitang wika sa pagitan ng 200 CE at 400 CE at muling binuhay noong ika-19 na siglo CE sa pagtatag ng Zionismo. Ito ay naging opisyal na wika ng Palestinang pinangasiwaan ng mga British noong 1921 kasama ng Ingles at Arabe. Ito ay naging opisyal na wika Estado ng Israel noong 1948 sa pagkakatatag nito. Ang Hebreo ay ang natatanging wikang Wikang Cananeo na sinasalita pa rin, at ang tanging tunay na matagumpay na halimbawa ng muling ibinuhay na wikang patay.[9][10]
Hebreo | |
---|---|
עברית, Ivrit | |
Bigkas | Moderno: [ivˈʁit] – Sinauna: [ʕib'rit][1] |
Katutubo sa | Israel |
Rehiyon | Estado ng Israel |
Pangkat-etniko | Hebreo; Hudyo at Samaritano |
Kamatayan | Nalipol ang Ebreong Misnaiko bilang wikang sinasalita sa huling bahagi ng ika-5 siglo PK, nabuhay bilang wikang liturhikal kabilang ng Ebreong Biblikal para sa Hudaismo[2][3][4] |
Pagbuhay | Muling isinilang sa huling bahagi ng ika-19 na siglo PK. 9 milyong nagsasalita ng Modernong Ebreo, kung saan 5 milyon ang katutubong nagsasalita (2017)[5] |
Apro-Asyatiko
| |
Mga sinaunang anyo | |
Pamantayang anyo | |
Alpabetong Ebreo Ebreong Braille Alpabetong Paleo-Ebreo (Arkaikong Ebreong Biblikal) Sulating Imperyal Arameo (Huling Ebreong Biblikal) | |
Mga anyong pasenyas | Wikang pasenyas ng Ebreo (pasalitang Ebreo na may kasamang senyas)[6] |
Opisyal na katayuan | |
Israel (bilang Modernong Ebreo) | |
Pinapamahalaan ng | Akademya ng Wikang Ebreo האקדמיה ללשון העברית (HaAkademia LaLashon HaʿIvrit) |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-1 | he |
ISO 639-2 | heb |
ISO 639-3 | Marami: heb – [[Modernong Ebreo]] hbo – [[Ebreong Biblikal (liturhikal)]] smp – [[Ebreong Samaritano (liturhikal)]] obm – [[Moabita (lipol)]] xdm – [[Edomita (lipol)]] |
Glottolog | hebr1246 |
Linguasphere | 12-AAB-a |
Tumigil ang paggamit ng Ebreo bilang pang-araw-araw ng sinasalitang wika sa pagitan ng 200 at 400 PK, na nagsimulang humina mula ng bunga ng himagsikang Bar Kokhba.[2][11][note 2] Noong panahong iyon, ginagamit na angArameo at, sa mas maliit na lawak, Griyego bilang wikang internasyonal, lalo na sa mga matataas at imigrante.[13] Nabuhay ang Ebreo sa panahong medyebal bilang wika ng liturhikang Hudyo, panitikang rabiniko, intra-Jewish commerce and panulaan. Sa pagsulong ng Zionismo sa ika-19 na siglo, nabuhay ito muli bilang pangunahing wika ng Yishuv, at sa kalaunan ang Estado ng Israel. Ayon sa Ethnologue, noong 1998, ang Ebreo ay ang wika ng limang milyong katao sa buong mundo.[5] Pagkatapos ng Israel, ang Estados Unidos ay may ikalawang pinakamalaking populasyon na nagsasalita ng Ebreo, ng mga 220,000 matatas na nagsasalita,[14] karamihan mula sa Israel.
Ang Alpabetong Hebreo ang sistemang panulat ng Wikang Hebreo at Yidis. Nagtataglay ito ng 22 titik, at ang lima sa mga titik na ito ay may ibang anyo kapag nasasahulihang-dulo ng isang salita. Sinusulat ang Alpabetong Hebreo mula kanan pakaliwa.
Puna: Pakaliwa ang pagbasa nito.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.