patinig na nagagawa mula sa harapang bahagi ng bibig From Wikipedia, the free encyclopedia
Harapang patinig (Ingles: front vowel) ang mga patinig na sinasalita sa pamamagitan ng pagpuwesto ng pinakamataas na bahagi ng dila sa harapang bahagi ng bibig nang hindi gumagawa ng pag-ipit katulad ng sa mga katinig.[1] Kilala rin ang mga harapang patinig bilang mga malilinaw na patinig (Ingles: bright vowel) dahil sa pagiging mas "malinaw" ng mga patinig na ito (kung papakinggan) kesa sa mga likurang patinig.[2] Sa wikang Tagalog, [i] (hal. ilog) at [e] (hal. mesa) ang mga harapang patinig.[3]
PPA: Mga patinig | ||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| ||||||||||||||||||||||||||||||||
Ayos ng patinig: di-bilog • bilog |
Isang uri ng mga harapang patinig ang mga halos harapang patinig (Ingles: near-front vowel). Walang wika sa mundo ang gumagawa ng isang malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng mga harapan at halos harapang patinig.
Sa artikulasyon, nakaharap na patinig (Ingles: fronted vowel) ang mga patinig na nabubuo sa pamamagitan ng pagpuwesto ng dila paharap mula sa orihinal na puwesto nito, kumpara sa mga nakaangat at nakaurong na patinig. Sa ganitong pananaw, mas malawak ang saklaw ng mga nakaharap na patinig kesa sa tipikal na mga kinokonsiderang mga harapang patinig. Natutukoy ang taas ng nakaharap na patinig sa pamamagitan ng paggalaw ng panga, hindi sa dila. Bukod rito, posible ring maiharap ang patinig ng ilang mga katinig. [4]
Nakalista sa baba ang mga harapang patinig na may kaakibat na simbolo sa Pandaigdigang Ponetikong Alpabeto (PPA).
Nasa baba naman ang iba pang mga harapang patinig na walang kaakibat na simbolo sa PPA.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.