From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga haplorhine na may tuyong ilong na mga primado ay mga kasapi ng kladong Haplorhini: ang prosimian na mga tarsier at ang mga anthropoid. Ang mga anthropod ang mga catarrhine (mga Lumang Daigdig na unggoy at mga ape kabilang ang mga tao) at ang mga platyrrhines (mga Bagong Daigdig na unggoy). Ang mga omomyid ay isang ektstinkt na pangkat ng mga prosimian na pinaniniwalaang mas malapit na nauugnay sa mga tarsier kesa sa anumang mga strepsirrhines at itinuturing na pinaka-primitibong mga haplorhine.
Haplorhines | |
---|---|
Hamadryas baboon (Papio hamadryas) | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Mammalia |
Orden: | Primates |
Suborden: | Haplorhini Pocock, 1918[1] |
Infraorders | |
| |
Kasingkahulugan | |
Simia |
Ang mga pagtatantiyang molekular sa genome na mitokondrial ay nagmumungkahing ang Haplorhini at ang kapatid nitong kladong Strepsirrhini, ay naghiwalay noong 74 milyong taong ang nakakalipas ngunit walang koronang mga primadong fossil ang alam sa simula ng Eocene, 56 milyong taon ang nakakalipas.[2] Ang parehong pagsisiyasat na molekular ay nagmungkahing ang impraorden na Tarsiiformes an ang tanging nabubuhay na pamilya ang tarsier (Tarsiidae) ay sumanga mula haplorhine mga 70 milyong taon ang nakakalipas.[2] Ang fossil na Archicebus ay pareho sa pinakakamakailang ninuno sa panahong ito.
Ang ibang pangunahing klado sa loob ng Haplorhini, ang mga simian (o mga anthropoid) na nahahati sa dalawang parvorden: Platyrrhini ( ang New World monkeys) at Catarrhini (ang Old World monkey at mga bakulaw). Ang Bagong Daigdig na Unggoy ay humiwalay sa mga catarrhine noong mga 35 - 40 milyong taon ang nakakalipas[3] at may pinagmulang Aprikano,[4] samantalang ang mga bakulaw (Hominoidea) ay humiwalay mula sa Lumang Daigdig na Unggoy (Cercopithecoidea) noong mga 25 milyong taon ang nakakalipas.[5]
Ang sumusunod ang talaan ng mga nabubuhay na pamilyang haplorhine at mga lugar nila sa Orden na Primates:[6][7]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.