Go (laro)
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Go (Hapones: 碁) na binabaybay din kung minsan bilang Goe, kilala sa wikang Intsik bilang weiqi (Tsinong pinapayak: 围棋; Tsinong tradisyonal: 圍棋; pinyin: wéiqí; Wade–Giles: wei ch'i) at sa wikang Koreano bilang baduk (Hangul: 바둑), ay isang sinaunang larong may tabla para sa dalawang manlalaro na natatangi dahil sa pagiging mayaman sa estratehiya sa kabila ng payak nitong mga patakaran sa paglalaro.
Mga taon na aktibo | Spring and Autumn period to present |
---|---|
Mga uri | Board game Abstract strategy game Mind sport |
Mga manlalaro | 2 |
Oras ng pag-setup | Minimal |
Oras ng paglalaro | Casual: 20–90 minutes Professional: 1–6 hours[a] |
Pagkakataon | None |
Mga kasanayan | Strategy, tactics, elementary arithmetic |
Mga singkahulugan | Weiqi Igo Paduk / Baduk |
a Some professional games exceed 16 hours and are played in sessions spread over two days. |
Go | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pangalang Tsino | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Tradisyunal na Tsino | 圍棋 | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Pinapayak na Tsino | 围棋 | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Kahulugang literal | 'encirclement board game' | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Pangalang Tibetan | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Tibetano | མིག་མངས | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Pangalang Biyetnames | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Alpabetong Biyetnames | cờ vây | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Hán-Nôm | 碁圍 | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Pangalang Koreano | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Hangul | 바둑 | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Pangalang Hapones | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Kanji | 囲碁 or 碁 | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Hiragana | いご or ご | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Ang larong ito ay nilalaro ng dalawang mga manlalarong naglalagay ng salit-salitang itim at puting mga bato sa ibabaw ng isang bakante o walang lamang mga interseksiyon ng mga grid ng 19×19 na mga guhit. Kapag inilagay na sa laruang tabla, hindi na maililipat ang mga bato sa ibang lugar, maliban na lamang kapag napaligiran sila at nahuli ng mga bato ng katunggali o kalaban. Ang layunin ng laro ay matabanan o makontrol (mapaligiran) ang isang malaking porsyon o bahagi ng tablang laruan kaysa sa kalaban.
Ang magkakalapit na paglalagay ng mga bato ay nakakatulong sa pagsusuporta nila sa isa't isa at maiwasan ang pagkahuli. Sa kabilang banda, ang magkakalayong paglalagay ng mga bato ay nakalilikha ng impluwensiya sa kahabaan ng mas marami pang bahagi ng tabla. Bahagi ng kahirapang pang-estratehiya ng laro ay nagsasanga mula sa paghahanap ng isang balanse sa pagitan ng nagsasalungatang mga nais o layunin. Nagsusumikap ang mga manlalaro na makamit ang mga layunin pampagtatanggol (depensa) at paglaban (opensibo) at pumili sa pagitan ng pagmamadaling pangtaktika at mga plano pang-estratehiya.
Nagmula ang Go sa sinaunang Tsina mahigit sa 2,500 mga taon na ang nakararaan. Bagaman hindi talagang nalalaman kung kailan naimbento ang laro, isa nang tanyag na libangan ang laro noong pagsapit ng ika-3 daangtaon, na ipinapakita ng isang pagtukoy sa laro sa mga Analekto ni Konfusyo. Nagpapakita ang mga ebidensiyang pang-arkeolohiya na ang maagang anyo ng laro ay nilalaro sa isang tablang may grid na 17×17, subalit sa pagsapit ng panahong lumaganap na ang laro sa Korea at sa Hapon noong bandang ika-7 daangtaon, naging pamantayan na ang mga tablang may grid na 19×19.