From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga Gluon ( /ˈɡluːɒn/; mula English glue) ay mga elementaryong partikulo na umaasal bilang tagapalit na partikulo o gauge boson para sa malakas na pwersa sa pagitan ng mga quark na analogo sa pagpapalitan ng mga photon sa elektromagnetikong pwersa sa pagitan ng dalawang may kargang partikulo.[6]
Komposisyon | Elementaryong partikulo |
---|---|
Estadistika | Bosoniko |
Mga interaksiyon | Malakas na interaksiyon |
Simbolo | g |
Nag-teorisa | Murray Gell-Mann (1962)[1] |
Natuklasan | Y(9.46 GeV) -> 3g: 1978 at DORIS (DESY) by PLUTO collaboration (see the recollection [2]) and |
8 | |
Masa | 0 MeV/c2 (Theoretical value)[4] < 20 MeV/c2 (Experimental limit)[5] |
Elektrikong karga | 0 e[4] |
Kargang kulay | octet (8 linearly independent types) |
Ikot | 1 |
Dahil sa ang mga quark ay binubuo ng mga baryon, at ang malakas na interaksiyon ay nangyayari sa pagitan ng mga baryon, maaaring masabi na ang pwersang kulay ang pinagkukunan ng malakas na interaksiyon o ang malakas na interaksiyon ay tulad ng nalalabing pwersang kulay na lumalawig ng lagpas sa mga baryon, halimbawa kapag ang mga proton at neutron ay magkasamang nakabigkis sa isang atomikong nukleyus. [7]
Sa tekniklal na mga termino, ang mga ito ay bektor na gauge boson na namamagitan ng malakas na interaksiyon ng mga quark sa quantum na kromodinamika (QCD). Hindi tulad ng elektrikong neutral na photon ng quantum elektrodinamika (QED), ang mga mismong gluon ay nagdadala ng kargang kulay at kaya ay lumalahok sa malakas na interaksiyon bukod pa sa pamamagitan nito na gumagawa sa QCD na labis na mas mahirap na siyasatin kesa sa QED.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.