Ang gamugamo na mas kilalang mariposa (Espanyol ng paruparo) ay isang insektong malapit na kamag-anak ng paruparo.[1] Karamihan sa mga lepidopteran ay mga gamugamo na inakalang nasa mga 160,000 mga espesye ng gamugamo,[2] na karamihan dito ay isasalarawan pa. Karamihan sa mga espesye ay aktibo sa gabi ngunit mayroon din namang aktibo sa araw at bukang-liwayway o dapit-hapon.
- Tungkol ang artikulong ito sa kulisap na gamugamo na tinatawag din na mariposa. Madalas na ipagkamali ang lumilipad na anay o langgam sa gamugamo. Para sa artikulo tungkol sa mga kulisap na nabanggit, tingnan ang anay at langgam.
Gamugamo | |
---|---|
Emperor Gum Moth, Opodiphthera eucalypti | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Arthropoda |
Hati: | Insecta |
(walang ranggo): | Amphiesmenoptera |
Orden: | Lepidoptera |
May mga lumilipad na langgam o anay na madalas na tinatawag rin na gamugamo ngunit hindi sila gamugamo.[3] Tulad ng mariposa, kadalasang lumalapit ang mga langgam o anay na may pakpak na ito sa mga napagkukunan ng ilaw katulad ng bombilya o apoy mula sa lampara. Kulumpon silang kung dumating kapag malapit na ang panahon ng tag-ulan sa Pilipinas ngunit mas nakikita sa Kalakhang Maynila o sa Luzon. Hindi gaanong nakikita ito sa Mindanao kung saan ang pagbagsak ng ulan ay pantay-pantay sa buong taon.[3]
Pagkakaiba sa pagitan ng mga paru-paro at mga gamugamo
Habang binubuo ang mga paru-paro ng pangkat monopiletiko, hindi ang mga gamugamo, na binubuo ang natitirang Lepidoptera. Maraming pagsubok ang ginawa upang igrupo ang mga superpamilya ng Lepidoptera sa likas na mga pangkat, na nabigo karamihan dahil isa sa dalawang pangkat ay hindi monopiletiko: ang Microlepidoptera at Macrolepidoptera, Heterocera at Rhopalocera, Jugatae at Frenatae, Monotrysia, at Ditrysia.[4]
Bagaman, hindi lubos na naitatag ang patakaran sa pagkakaiba ng gamugamo at paruparo, isang pinakamabuting prinsipyo panggabay ay ang mga paruparo ay may manipis na antena at (maliban sa pamilyang Hedylidae) may maliit na bola o klab sa dulo ng kanilang antena. Kadalasang mabalahibo ang antena ang gamugamo na walang bola sa dulo. Ang mga dibisyon ay pinangalan sa prinsipyong ito: "antenang-klab" (Rhopalocera) o "antenang-sari-sari" (Heterocera). Unang nag-ebolusyon ang Lepidoptera noong panahong Karbonipero, subalit nag-ebolusyon sila na may katangiang proboside kasama ang pagbangon ng angiosperma noong panahong Kretaseo.[5]
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.