From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Frank Lloyd Wright (8 Hunyo 1867 – 9 Abril 1959) ay isang bantog na Amerikanong arkitekto mula sa kaagahan ng dekada ng 1900. Bukod dito, isa rin siyang disenyador pangloob, manunulat, at edukador, na nagdisenyo ng mahigit sa 1,000 mga proyekto, na nagresulta sa mahigit sa 500 nakumpletong mga gawa.[3] Nagdisenyo siya ng lahat ng mga uri ng mga gusali, kabilang na ang mga bangko, mga bakasyunang resort, mga gusaling pangtanggapan, mga simbahan, isang sinagoga, isang estasyon ng gasolina, isang halamanang pangserbesa, at isang museo ng sining.[4] Nagsimula siya ng isang estilong Amerikano sa pagdidisenyo ng gusali. Isa siya sa mga itinuturing na pinakadakilang mga arkitekto sa ika-20 daang taon.[5]
Frank Lloyd Wright | |
---|---|
Kapanganakan | 8 Hunyo 1867 Sentro ng Richland, Wisconsin[1] |
Kamatayan | 9 Abril 1959 |
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika |
Trabaho | Architect |
Isa sa pinakatanyag na bahay ang tinawag na Bahay Robie o Robie House sa Ingles. Mayroon itong layout na parang laberinto at heometrikong dungawan o bintanang may nabahirang-salamin.[6]. Isang natatanging bahay ang Bahay Robie na may kakaibang mga hugis, mga kulay, at anyo. Natapos na gawin ito ni Wright noong 1910, bilang isang bahay para sa mga bata. Sa katunayan, maraming mga bata ang namuhay at naglaro sa loob ng bahay na ito na kapilin gang kanilang mga mag-anak magpahanggang 1926, ang taon ng pagsasara nito sa pangkalahatang madla. Sa maraming pagkakataon, pinlanong wasakin ito. Subalit dalawang ulit na sinagip ni Wright ang bahay mula sa pagwasak dahil sa mga kadahilanang siya ang nagtayo nito at sa lahat ng mga alaala nito. Kasalukuyan itong muling ibinabalik sa dating kaayusan sa halagang $10 milyon.[7]
Noong 1940, sinimulan ni Wright ang Pundasyong Frank Lloyd Wright. Itinatag ito para sa mga layunang pang-edukasyon. Pinangangalagaan nito ang dalawang mga gusaling ginawa ni Wright, ang Taliesin sa Wisconsin, at ang Kanlurang Taliesin (Taliesin West sa Ingles) sa Arizona. Mayroong isang aklatan ang pundasyon na may mahigit sa ginuhit na mga larawang gawa ni Wright. Ito ang tahanan ng Paaralan ng Arkitektura ni Frank Lloyd Wright.[8]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.