First Nations
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang First Nations (Pranses: Premières Nations, literal sa Tagalog: Mga Sinaunang Sambayanan) ay ang katawagan sa mga katutubo sa Canada na hindi nabibilang sa mga Inuit o Métis.[2][3] Batay sa tradisyon, ang First Nations sa Canada ay ang mga pangkat ng katutubong naninirahan sa timog ng tree line, na karaniwan ay nasa timog ng Kabilugang Artiko. Mayroong 634 na kinikilalang pamahalaan ng mga First Nations sa buong Canada.[4] Halos kalahati rito ay matatagpuan sa lalawigan ng Ontario at British Columbia.[5]
Kabuuang populasyon | |
---|---|
1,048,400[1] (2021) | |
Wika | |
| |
Relihiyon | |
| |
Kaugnay na mga pangkat-etniko | |
Native Americans, Alaska Natives, Métis |
Sa ilalim ng Canadian Charter of Rights and Freedoms, nabibilang ang First Nations sa mga pinangalanang pangkat, kasama ang mga kababaihan, visible minorities, at may mga kapansanang pisikal at sa pag-iisip.[6] Hindi kabilang ang First Nations sa mga visible minority sa pagtatala ng Statistics Canada.[7]
Libo-libong taon na ang kalinangan ng mga katutubo ng Hilagang Amerika. Ang ilan sa kanilang tradisyong pasalita ay naglalarawan ng mga kaganapang aktuwal na nangyari, gaya ng lindol sa Cascadia noong 1700, at pagsabog ng Tseax Cone noong ika-18 dantaon.