Federico I, Tagahalal ng Brandeburgo
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Federico (Gitnang Mataas na Aleman: Friderich[1], Estandardisadong Aleman: Friedrich; Setyembre 21, 1371 ā Setyembre 20, 1440) ay ang huling Burgrabe ng Nuremberg mula 1397 hanggang 1427 (bilang Federico VI), Margrabe ng Brandeburgo-Ansbach mula 1398, Margrabe ng Brandeburgo-Kulmbach mula 1420, at Elektor ng Brandeburgo (bilang Federico I) mula 1415 hanggang sa kanyang kamatayan. Siya ang naging unang miyembro ng Dinastiyang Hohenzollern na namuno sa Margrabyato ng Brandeburgo.