![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/c/cf/Essential_workers_await_the_arrival_of_an_LRT_train_at_the_Edsa_Station.jpg/640px-Essential_workers_await_the_arrival_of_an_LRT_train_at_the_Edsa_Station.jpg&w=640&q=50)
Estasyon ng EDSA (LRT)
ay isang estasyon ng Linyang Dilaw ng Manila LRT (LRT-1) / From Wikipedia, the free encyclopedia
Tungkol sa estasyon ng Unang Linya ng LRT ang artikulo na ito. Para sa estasyon ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas, tingnan ang Estasyong daangbakal ng EDSA.
Ang Estasyong EDSA ng LRT (o tinatawag ding Estasyong Abenidang E. Delos Santos ng LRT) ay isang estasyon sa Manila LRT (LRT-1). Tulad ng iba pang estasyon ng LRT-1, nakaangat ang estasyong EDSA. Matatagpuan ito sa sangandaan ng Abenida Taft at EDSA, isa sa mga pangunahing lansangan ng kalakhang lungsod. Ipinangalan ang estasyon sa EDSA, na pinangalanan naman kay Epifanio de los Santos, isang kilalang mananalaysay.
Agarang impormasyon EDSA, Pangkalahatang Impormasyon ...
EDSA | |||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila | |||||||||||||||||||||
![]() Plataporma sa Estasyong EDSA | |||||||||||||||||||||
Pangkalahatang Impormasyon | |||||||||||||||||||||
Lokasyon | Abenida Taft, San Rafael, Pasay | ||||||||||||||||||||
Pagmamayari ni/ng | Kagawaran ng Transportasyon (DOTr) Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA) | ||||||||||||||||||||
Linya | Unang Linya ng LRT | ||||||||||||||||||||
Plataporma | Mga plataporma sa gilid | ||||||||||||||||||||
Riles | 2 | ||||||||||||||||||||
Koneksiyon | Maaaring lumipat patungong Linyang Dilaw sa pamamagitan ng isang nakaangat na walkway patungong Estasyong Taft Avenue | ||||||||||||||||||||
Konstruksiyon | |||||||||||||||||||||
Uri ng estruktura | Nakaangat | ||||||||||||||||||||
Akses ng may kapansanan | Yes | ||||||||||||||||||||
Ibang impormasyon | |||||||||||||||||||||
Kodigo | ED | ||||||||||||||||||||
Kasaysayan | |||||||||||||||||||||
Nagbukas | Disyembre 1, 1984 | ||||||||||||||||||||
Serbisyo | |||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||
Isara
Nagsisilbi bilang panlabing-siyam na estasyon ang estasyong EDSA para sa mga treng LRT-1 na patungo sa Baclaran at pangalawang estasyon para sa mga treng patungo sa Roosevelt. Isa ang EDSA sa mga apat na estasyon ng LRT na naglilingkod sa Lungsod ng Pasay, ang iba pa ay Gil Puyat, Libertad at Baclaran.