From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Eratostenes ng Sireno (Griyego Ἐρατοσθένης, bandang 276 BK[1] – bandang 195 BK[2]) ay isang Griyegong matematiko, makata ng elehiya (malungkot na tula), atleta, heograpo, astronomo, at teorista ng musika. Siya ang unang taong gumamit ng salitang "heograpiya" at umimbento ng disiplina ng heograpiya ayon sa ating pagkakaunawa sa kasalukuyan.[3] Umimbento siya ng isang sistema ng latitud at longhitud.
Siya ang unang taong unang kumalkula sa sirkumperensiya ng mundo sa pamamagitan ng paggamit ng isang sistema ng pagsukat na ginagamitan ng mga estadyo, o haba ng mga istadyum noong panahong iyon (na may kahangahangang katumpakan). Siya ang unang kumalkula sa kiling ng aksis ng Daigdig (na may kahangahanga ring katumpakan). Maaari ring tumpak niyang nakalkula ang layo ng daigdig sa araw at nakaimbento ng araw ng bisyesto.[4] Lumikha rin siya ng sinaunang mapa ng mundo batay sa makukuhang kaalamang pangheograpiya noong kapanahunang iyon. Bilang dagdag, si Eratostenes ang tagapagtatag ng kronolohiyang siyentipiko; nagpunyagi siyang ayusin ang mga petsa ng pangunahing mga kaganapang pampanitikan at pampolitika mula sa pagsakop sa Troya.
Ayon sa ipinasok sa Suda (ε 2898) (isang sanggunian noong ika-10 daang taon), pinangalanan siya ng kanyang mga kasabayan bilang "beta", mula sa pangalawang titik ng alpabetong Griyego, dahil itinuturing na napatunayan niya ang kanyang sarili bilang ikalawang pinakamahusay sa mundo sa lahat ng anumang mga larangan.[5]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.