katangiang pisikal na naipapása sa mga bagay upang makapagbigay ng init o gawa From Wikipedia, the free encyclopedia
Sa pisika, ang enerhiya (mula sa Griyego ἐνέργεια - energeia, "aktibidad, operasyon", mula sa ἐνεργός - energos, "aktibo, gumagana"[1]) o lakas ay isang eskalar na pisikal na dami na naglalarawan ng halaga ng gawa na maaaring gawin sa pamamagitan ng puwersa. Katangian ng mga bagay at kaparaanan ang enerhiya na nasasaklaw ng batas ng pangangalaga (law of conservation). May ilang mga iba't ibang mga anyo ng enerhiya na kayang magpaliwanag sa mga kilalang likas na pangyayari. Kabilang (ngunit hindi limitado) sa mga anyo ng enerhiya ang enerhiyang kinetiko, potensiyal, init, grabitasyonal, tunog, liwanag, nababanat, at elektromagnetiko. Kadalasang binibigyan ng pangalan ang uri sa kaugnay na puwersa nito.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.