![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/e/ee/Empanada_de_Kaliskis_in_front_of_Barasoain_church_in_Bulacan.jpg/640px-Empanada_de_Kaliskis_in_front_of_Barasoain_church_in_Bulacan.jpg&w=640&q=50)
Empanada
pinalamanang pastelerya o tinapay / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang empanada o panada ay isang uri ng pinalamanang pastelerya o tinapay, na karaniwan sa Espanya, Timog Europa, Amerikang Latino, at mga kulturang naimpluwensiyahan ng mga Ibero. Nagmula ang pangalan sa Kastilang salita, empanar,[3][4] na may salinwikang 'tininapay', i.s., binalutan ng tinapay. Nabubuo ang mga ito sa pagbabalot ng palaman, na maaaring may karne, keso, kamatis, mais, o iba pang sangkap, sa masa, at niluluto ito sa paghuhurno o pagpiprito. Tinatawag na mga empanadita o empanaditas ang mga maliliit na empanada, para makain ng isang subo lamang,[1][5] at karaniwang tinimplahan ng pulot-pukyutan at mani.[2]
Agarang impormasyon Ibang tawag, Uri ...
![]() | |
Ibang tawag | meat turnover o meat pie[1], meat pastry turnover[2] |
---|---|
Uri | Pastelerya |
Kurso | Pampagana, ulam |
Lugar | Espanya |
Rehiyon o bansa | Galicia |
Kaugnay na lutuin | Kastila, Arhentino, Tsileno, Ekwadoryano, Sisilyano, Mehikano, Kolombiyano, Beneswelano, Uruguayo |
Gumawa | Mga bansang Hispano |
Pangunahing Sangkap | Karne, keso, mais, o iba pang mga sangkap |
|
Isara