Elizabeth II
Reyna ng Reyno Unido at ang Nasasakupang Komonwelt mula 1952 hanggang 2022 / From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Elizabeth II (Filipino: Isabel II; Elizabeth Alexandra Mary; 21 Abril 1926—8 Setyembre 2022), ay ang Reyna ng Reyno Unido at ng mga bansang nasa nasasakupang komonwelt[lower-alpha 1] mula noong 6 Pebrero 1952 hanggang 8 Setyembre 2022.[1][2] Ang 70 taon at 214 araw na panunungkulan niya bilang reyna ay ang pinakamahaba sa kasaysayan ng Reyno Unido, ang pinakamahabang panunungkulan ng isang babae sa kasaysayan ng mundo, gayundin ang pangalawang kumpirmadong pinakamahaba ng isang monarko sa kasaysayan ng mundo.
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Elizabeth II Isabel II (Filipino) | |
---|---|
Pinuno ng Komonwelt | |
Si Elizabeth II noong 1959. | |
Panahon | 6 Pebrero 1952—8 Setyembre 2022 |
Koronasyon | 2 Hunyo 1953 |
Sinundan | George VI |
Sumunod | Charles III |
Asawa | Prinsipe Philip, Duke ng Edinburgh |
Anak | Charles III Anne, Maharlikang Prinsesa Prinsipe Andrew, Duke ng York Prinsipe Edward, Konde ng Wessex |
Buong pangalan | |
Elizabeth Alexandra Mary Windsor | |
Ama | George VI |
Ina | Elizabeth, Ina ng Reyna |
Kapanganakan | 21 Abril 1926(1926-04-21) Mayfair, London, Reyno Unido |
Kamatayan | 8 Setyembre 2022(2022-09-08) (edad 96) Kastilyo ng Balmoral, Aberdeenshire, United Kingdom |
Pananampalataya | Simbahan ng Inglatera |
Ipinanganak si Elizabeth sa Mayfair sa lungsod ng Londres, bilang panganay na anak ng Duke at Dukesa ng York (kalaunan naging sina Haring George VI at Reyna Elizabeth). Matapos bumaba sa pagiging hari si Edward VIII noong 1936, naging hari ang tatay niya, at siya ang naging inaasahang hahalili (Ingles: heir presumptive) sa trono. Pribado siyang tinuruan sa kanilang tahanan at nagsilbi rin sa bansa sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong Nobyembre 1947, pinakasalan niya si Philip Mountbatten, isang dating prinsipe ng Gresya at Denmark. Nagtagal ang kanilang pagsasama hanggang noong Abril 2021, nang namatay si Philip. Nagkaroon sila ng apat na anak, si Charles III, Anne, Andrew, at Edward.
Nang namatay ang kanyang tatay noong 1952, siya ang humalili bilang Reyna ng Reyno Unido at ng mga nasasakupang komonwelt nito. Nanungkulan si Elizabeth bilang isang monarkong konstitusyonal sa ikalawang kalahati ng ika-20 siglo, mula sa The Troubles sa Hilagang Irlanda, debolusyon ng pamahalaan, paglaya ng mga bansa sa Aprika, at ang pagpasok at ang kalaunang paglabas ng Reyno Unido mula sa Unyong Europeo. Pabago-bago ang bilang ng kanyang mga nasasakupang bansa dahil sa paglaya ng mga ito mula sa Reyno Unido at pagpalit ng mga nasa nasasakupang komonwelt mula sa monarkiyang konstitusyonal papuntang republika. Kasama sa kanyang maraming makasaysayang pagbisita at pagpupulong ang pagbisita nito sa Tsina noong 1986, Russia noong 1994, at sa Irlanda noong 2011, gayundin ang pagbisita sa limang Santo Papa ng Simbahang Katoliko.
Kasama sa kanyang 70 taong panunungkulan ang mga kaganapan tulad ng koronasyon niya bilang reyna noong 1953, at ang kaniyang mga anibersaryo noong 1977, 2002, 2012, at 2022. Nakaranas din siya ng mga kritisismo mula sa mga republikano, partikular na noong pagkatapos magkaproblema sa pagsasama ng mga anak niya sa kanilang mga asawa, ang kanyang annus horibilis ('masamang taon') noong 1992, at ang pagkamatay ng dating biyenan niya na si Diana sa isang aksidente sa Paris noong 1997. 15 punong ministro ng Reyno Unido ang nanunungkulan sa kanya, mula kay Winston Churchill hanggang kay Liz Truss. Sa buong buhay niya, nagawa niyang mapanatili ang kabuuang popularidad ng monarkiya gayundin sa kanyang imahe. Namatay si Elizabeth sa Kastilyo ng Balmoral sa Aberdeenshire sa Scotland sa edad na 96. Humalili sa kanya ang kanyang panganay na anak na si Charles III.