![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/f/fc/Zonmar-tl.svg/langtl-640px-Zonmar-tl.svg.png&w=640&q=50)
Eksklusibong sonang ekonomiko
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang eksklusibong sonang ekonomiko (Ingles: exclusive economic zone, daglat: EEZ) ay ang bahagi ng karagatan na itinatadhana ng United Nations Convention on the Law of the Sea na kung saan may espesyal na karapatan ang isang estado na galugarin at gamitin ang yamang-dagat, kasama rito ang produksiyon ng enerhiya mula sa tubig at hangin.[1] Nagmumula ito sa batayang guhit hanggang sa 200 milyang pandagat (nmi) mula sa baybayin. Sa pangkaraniwang paggamit, maaaring sinasaklaw ng EEZ ang kalapagang kontinental, ngunit hindi nito saklaw ang alinman sa dagat teritoryal o kalapagang kontinental na lampas pa sa 200 nmi limitasyon. Ang pinagkaiba ng dagat teritoryal sa eksklusibong sonang ekonomiko ay ang una'y naggagawad ng buong soberanya sa katubigan, samantala ang ikalawa'y "soberanyang karapatan" lamang ng baybaying estado sa ilalim ng dagat. Pandaigdigang katubigan ang ibabaw ng dagat, gaya ng makikita sa mapa.[2]
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/f/fc/Zonmar-tl.svg/320px-Zonmar-tl.svg.png)