![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/4/4a/Tragic_comic_masks_-_roman_mosaic.jpg/640px-Tragic_comic_masks_-_roman_mosaic.jpg&w=640&q=50)
Drama
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang drama ay isang spesipikong moda ng kathang-isip na kinakatawan ang pagkakaganap.[1] Hango ito sa Griyego na nangangahulugang "aksiyon" (Klasikong Griyego δράμα), na hinango mula sa "gagawin" (Klasikong Griyego δράω).
- Para sa ibang gamit, tingnan ang Drama (paglilinaw).
![](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/4/4a/Tragic_comic_masks_-_roman_mosaic.jpg/640px-Tragic_comic_masks_-_roman_mosaic.jpg)
Ginaganap ang mga drama sa iba't ibang media: teatro, radyo, pelikula, at telebisyon. Kadalasang may kasamang musika at sayaw: inaawit sa buong katagalan ang drama sa opera; kabilang sa mga musikal ang sinasalitang usapan (dialogue) at mga awitin; at ilang mga anyo ng drama na may instrumentong musikal (halimbawa, melodrama at Nō ng mga Hapon).[2] Sa ilang panahon ng kasaysayan (ang lumang Romano at bagong Romantiko), sinulat ang mga drama upang basahin sa halip na ginaganap.[3] Sa improvisation (pagsasagawa ng kusa), wala pa sa simula ang mga sandali ng pagkakaganap ng drama; gumagawa ang mga gumaganap ng isang dramatikong script ng kusa sa mga manonood.[4]