Dominyong piyudal ng Hapon noong panahong Edo From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Dominyo ng Satsuma (薩摩藩 Satsuma-han), na kilala rin bilang Dominyo ng Kagoshima (鹿児島藩 Kagoshima-han), ay isa sa mga dominyo (藩 han) ng bansang Hapon noong panahong Edo. Ito ay nakalugar sa mga lalawigan ng Satsuma at Ōsumi na parehong bumubuo sa kasalukuyang prepektura ng Kagoshima, at bahagi ng Hyūga na ngayon ay ang prepektura ng Miyazaki sa pulo ng Kyushu.[1] Ang dominyong ito ay pinamunuan ng angkan ng Shimazu mula sa katapusan ng ika-12 siglo[2] hanggang sa tinanggal ang sistemang han nang manumbalik ang Emperador Meiji sa pamumuno at palitan ito ng sistemang prepektura noong 1871.
Dominyo ng Satsuma | |||
---|---|---|---|
han, yūhan | |||
Transkripsyong Hapones | |||
• Kana | さつまはん (Satsuma han) | ||
| |||
Bansa | Hapon | ||
Lokasyon | Satsuma Province, Saikaidō | ||
Itinatag | 1602 | ||
Binuwag | 1871 | ||
Kabisera | Castle town of Kagoshima |
Kilala ang dominyong ito sa naging papel nito bilang kalahati ng Alyansang Satchō (薩長同盟 Satchō dōmei), kasama ang Dominyo ng Chōshū (長州), na nanguna sa pagpabagsak sa Kasugunang Tokugawa sa Digmaang Boshin noong 1868.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.