Dolly Parton
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Dolly Rebecca Parton (ipinanganak noong 19 Enero 1946[1]) ay isang Amerikanang mang-aawit na nagsusulat ng awit, may-akda, manunugtog ng maraming iba't ibang mga instrumentong pangmusika (isa siyang multi-instrumentalista), aktres, at pilantropo, na higit na nakikilala dahil sa kanyang mga gawain sa musikang country. Lumitaw siyang bida sa mga pelikulang 9 to 5, The Best Little Whorehouse in Texas, Steel Magnolias, Straight Talk, Unlikely Angel at Joyful Noise. Isa siya sa pinaka matagumpay na mga artistang panglalawigan o pang-country (pangkabukiran) sa lahat ng kapanahhunan; na may tinatayang 100 milyon sa pagbebenta ng mga album. Isa rin siya sa pinaka mabentang mga artista sa lahat ng mga panahon.[2] Nakikilala siya bilang "Ang Reyna ng Tugtuging Country".[3] Noong 2011, napangalanan siya bilang isa sa "100 Hottest Women of All-Time" (100 Pinaka Maiinit na mga Babae sa Lahat ng Panahon) ng Men's Health.[4]
Dolly Parton | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Dolly Rebecca Parton |
Kilala rin bilang | Dolly |
Kapanganakan | (1946-01-19) 19 Enero 1946 (edad 78) Sevierville, Tennessee, E.U. |
Genre | Country, Country Pop, Bluegrass |
Trabaho | Mang-aawit na manunulat ng awitin, prodyuser ng rekord, aktres, may-akda, pilantropo, musikera, negosyante |
Instrumento | Tinig, gitara, banjo, autoharpa, piano, tambol, apalakyanong dulsimero, harmonika, pitong-lata, tagapagrekord (rekorder), biyolin, gitarang baho, saksopono |
Taong aktibo | 1957–kasalukuyan |
Label | Goldband (1957–59) Mercury Records (1962–64) Monument (1965–67) RCA (1967–86) CBS (1987–95) Rising Tide (1995–97) Decca (1997–98) Sugar Hill (1999–2006) Dolly Records (2007–kasalukuyan) |
Website | dollypartonmusic.net/ |