Digmaang Israel–Hamas ng 2023
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Digmaang Israel–Hamas ng 2023 ay isang patuloy na labanang militar sa pagitan ng Israel at mga militanteng Palestinong pangkat na pinamumunuan ng Hamas.[1][lower-alpha 1] Nagsimula ang labanan noong Oktubre 7, 2023,[2][3][4] na may pag-atake ng mga barerang raket na hindi bababa sa 3,000 raket na inilunsad mula sa Piraso ng Gaza laban sa Israel.[5] Kaagapay nito, tinatayang 2,500 militanteng Palestino ang sinira ang sagabal sa Gaza–Israel, na inaatake ang mga base militar at pinatay ang mga sibilyan sa mga karatig na mga pamayanang Israeli.[6] Hindi bababa sa 1,400 Israeli ang napatay[7] kabilang ang 260 kataong pinatay sa isang pistang pangmusika.[8][9][10] Ang mga binihag na sibilyang di-armado at mga kinuhang sundalong Israeli ay dinala din sa Piraso ng Gaza, kabilang ang mga babae at bata.[11][12][13][14]
Maaaring mabilis pong magbago ang mga impormasyon habang umuusad po ang pangyayari, at maaari rin pong hindi mapagkakatiwalaan ang mga paunang balita (breaking news). Depende sa aktibidad ng pahinang ito, maaari pong hindi updated ang impormasyong nakalagay rito. Malaya po kayong baguhin ang kahit ano sa Digmaan na ito. Pakatandaan lamang po na maaaring matanggal ang mga pagbabagong hindi totoo o walang kaakibat na sanggunian. Maaari rin pong pag-usapan ang mga pagbabago rito sa pahina ng usapan nito. |
Tumugon ang Israel ng kontra-opensiba sa sorpresang pag-atake,[15] at pormal na nagdeklera ang Israel ng digmaan laban sa Hamas pagkalipas ng isang araw.[15]