From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Diego Rodríguez de Silva y Velázquez [a] (nabinyagan noong Hunyo 6, 1599 – Agosto 6, 1660) ay isang Espanyol na pintor, at nangungunang artista sa korte ni Haring Felipe IV at ng Ginintuang Panahon ng mga Kastila. Siya ay isang indibidwalistikong artista ng kapanahunang Baroque. Sinimulan niyang magpinta sa isang tumpak na estilong tenebrista, na kalaunan ay bumubuo ng isang mas malayang pamamaraan na nailalarawan sa pamamagitan ng makapal na pagpipinsel. Bilang karagdagan sa kaniyang maraming rendisyon ng mahahalagang eksenang makasaysayan at pangkultura, nagpinta siya ng maraming mga larawan ng maharlikang pamilya ng Espanya at mga karaniwang tao, na ang kasukdulan ay ang kaniyang obra maestra na Las Meninas (1656).
Diego Velázquez | |
---|---|
Kapanganakan | Diego Rodríguez de Silva y Velázquez bininyagan Hunyo 6, 1599 |
Kamatayan | Agosto 6, 1660 (61 taong gulang) Madrid, Espanya |
Nasyonalidad | Espanyol |
Kilala sa | Pagpinta |
Kilalang gawa | Ang Pagsuko ni Breda (1634–35) Rokeby Venus (1647–51) Pinta kay Inocencio X (1650) Las Meninas (1656) Las Hilanderas (c. 1657) Talaan ng mga obra |
Kilusan | Baroque |
Ang mga likhang-sining ni Velázquez ay naging isang modelo para sa ika-19 siglo na mga pintor realista at impresyonista. Noong ika-20 siglo, ang mga artista tulad nina Pablo Picasso, Salvador Dalí, at Francis Bacon nagbigay-pugay kay Velázquez sa pamamagitan ng muling pagbibigay-kahulugan sa ilan sa kaniyang pinakatanyag na imahen.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.