Ang ika-6 na daantaon BC ay nagsimula ng unang araw ng 600 BC at nagtapos sa huling araw ng 501 BC.
Nilikha ni Pāṇini sa India ang isang balarila para sa Sanskrit sa siglong ito o mas kaunti pa sa kalaunan nito.[1] Ito ang nanatiling ang pinakamatandang kilalang balarila ng anumang wika. Sa Malapit na Silangan, ang unang kalahati ng siglong ito ay pinanaigan ng Imperyong Neo-Babilonyano o Imperyong Kaldeo na umakyat sa kapangyarihan noong huli bahagi ng siglo matapos na matagumpay na makapaghimagsik laban sa pamumuno ng Imperyong Asiryo. Gayunpaman, ang pamumunong Babilonya ay napabagsak at pinalitan noong mga 539 BC ni Dakilang Ciro na nagtatag ng Imperyong Akemenida (Imperyong Persa). Ang Imperyong Persa ay patuloy na lumawak at lumago sa pinamalaking imperyo ng mundo sa panahong ito. Sa Europang Panahong Bakal, ang paglawak na Seltiko ay nagpapatuloy. Ang Tsina ay nasa Panahong Tagsibol at Taglagas.
Pangkalahatang buod
Ang ika-5 at ika-6 na mga siglo BC ay panahon ng mga imperyo, ngunit mas mahalaga, isang panahon ng pagtututo at pilosopiya.
Mga pangyayari
- Ang pagbasak ng Kaharian ng Judah at ang pagwasak sa Unang Templo (586 BC) na tinatakda ang simula ng buong Pagbihag ng mga Babylonia sa mga Hudyo.
- Sinakop ni Ciro ang Dakila ang maraming bansa at nilikha ang Imperyo ng Persa.
- Natatag ang Republika ng Romano
- Itinatag ni Gautama Buddha ang Budismo sa India. Naging isang pangunahing relihiyon sa mundo.
- 590 BC: Dinambong ng mga Ehipsyong hukbo ang Napata, na napilit ang korteng Kush na lumpiat sa isa mas ligtas na lokasyon sa Meroe malapit sa ikaanim na Cataract.[2]
- 536 BC: Ayon sa tradisyon, nakatanggap ang Biblikal na propeta na si Daniel na bisitang mala-anghel.[3]
Mahahalagang tao
Pinunong pampolitika
- Astyages, Hari ng Medes
- Cambyses II, Hari ng Persya
- Cyrus the Great, Hari ng Persya
- Darius I, Hari ng Persya
- Lucius Tarquinius Superbus, Hari ng Roma
- Nabonidus, ang huling Hari ng Babylonia
- Nebuchadnezzar, Hari ng Babylonia
- Necho II, Paraon ng Ehipto
- Servius Tullius, Hari ng Roma
Panitikan
Pilosopiya at relihiyon
- Confucius, tagpagtatag ng Confucianism
- Gautama Buddha, tagapagtatag ng Budismo
- Ezekiel, Hebreong propeta
- Laozi, tagapagtatag ng Taoismo
- Mahavira, tagapagtatag pilosopiyang Jain
- Pythagoras, Griyegong pilosopo, matematiko
- Thales, Griyegong matematiko
- Zoroaster, tagapagtatag ng Zoroastrianismo
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.