From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Mary Frances "Debbie" Reynolds (Abril 1, 1932 – Disyembre 28, 2016) ay Amerikanang isang artista, mang-aawit, dalubhasa sa kasaysayan ng pelikula at mapagkawanggawa. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang Helen Kane sa pelikula noong 1959 na Three Little Words kung saan nanomina siya bilang Most Promising Newcomer (Pinaka May Pag-asang Baguhan) sa Gawad Golden Globes. Subalit ang kanyang unang pangunahing pagganap noong 1952 bilang Kathy Selden sa Singin' in the Rain ang nagbigay daan sa kanyang katanyagan.
Debbie Reynolds | |
---|---|
Kapanganakan | 1 Abril 1932[1] |
Kamatayan | 28 Disyembre 2016[1]
|
Libingan | Forest Lawn – Hollywood Hills Cemetery |
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika |
Trabaho | mang-aawit, manunulat, kalahok sa patimapalak pangkagandahan, mananayaw, awtobiyograpo, artista sa teatro, artista sa pelikula, artista sa telebisyon, tagapagboses, screenwriter, artista,[2] entrepreneur |
Asawa | Eddie Fisher (1955–1959) |
Anak | Carrie Fisher |
Si Reynolds ay ikinasal ng tatlong beses. Una siyang kinasal kay Eddie Fisher noong 1955. Nagkaroon sila ng mga anak na sina Carrie at Todd Fisher. Nagdiborsyo ang mag-asawa noong 1959. Ikalawa siyang kinasal kay Harry Karl at ang kanilang relasyon ay tumagal mula 1960 hanggang 1973. Huling siyang kinasal kay Richard Hamlett at tumagal sila mula 1984 hanggang 1996.
Noong Disyembre 28, 2016, namatay si Reynolds matapos ma-ospital at ma-stroke.[3] Namatay siya isang araw pagkatapos mamatay ang kanyang anak na si Carrie Fisher.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.