Dario I ng Persiya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Dario I ang Dakila[1] (Ingles: Darius I the Great[2]; s. 549 BK - 486 BK/485 BK) ay ang anak ni Hystaspes, at Shah ng Iran at naghari mula 522 BK hanggang 485 BK. Matapos niyang maging Shah ng Iran, hinati niya ang Imperyong Persa (Persian) sa dalampu't-dalawang mga lalawigan at nagtalaga ng mga gobernador sa bawat lalawigan. Pinasimulan niya ang paggamit ng mga gintong kuwalta at pinaunlad ang kalakalan sa loob at labas ng imperyo. Pinahintulutan ni Dario na muling itayo ng mga Hudyo ang Templo ni Solomon sa Herusalem. Marami rin siyang itinayong mga templo sa Ehipto. Pinakamalaki sa mga itinayo niyang gusali ang kapitolyo ng Persepolis, malapit sa Pasargadae. Namatay si Dario sa Persepolis. Hiniwa para maging isang batong-mukha ang kaniyang libingan, nilagay malapit sa Persepolis. Makaraan ang kaniyang pagsakabilang-buhay, si Jerjes ang naging Shah ng Iran.
Darius I | |
---|---|
Hari ng mga Hari ng Persiya | |
Paghahari | Setyembre 522 BCE hanggang Oktubre 486 BCE (36 taon) |
Buong pangalan | Dārayava(h)uš![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() |
Kapanganakan | 550 BCE |
Kamatayan | Oktubre 486 BCE (mga 64 taong gulang) |
Pinaglibingan | Naqsh-e Rustam, Iran |
Sinundan | Bardiya |
Kahalili | Xerxes I |
Asawa | Atossa |
Supling | Artobazan, Xerxes |
Dinastiya | Achaemenid Empire |
Ama | Hystaspes |
Ina | Rhodogune |
Mga paniniwalang relihiyoso | Zoroastrianism |
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/5/56/Map_of_the_Achaemenid_Empire.jpg/640px-Map_of_the_Achaemenid_Empire.jpg)
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/b/b8/Achaemenid_coin_daric_420BC_front.jpg/320px-Achaemenid_coin_daric_420BC_front.jpg)