Dances with Wolves
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Dances with Wolves, na "Nakikipagsayaw sa mga Lobo," ay isang pelikulang epikong batay sa aklat na may ganito ring pamagat na nagsasalaysay ng kuwento hinggil sa isang tenyente ng Hukbong Katihan Estados Unidos noong panahon ng Digmaang Sibil sa Amerika, na naglakbay sa prontera o hindi pa natutuklasang pook upang makatagpo ng isang himpilang militar. Pati na ng kanyang pakikipag-ugnayan sa isang pangkat ng mga taong Lakota (o Lokota).
Ang article ay isang Ulila, dahil walang ibang mga artikulo ang naka-link dito. Mangyaring mula sa ipinakilala ang mga link sa pahinang ito mula sa mga kaugnay na artikulo; subukan mo ang Find link tool para sa mga mungkahi. (Disyembre 2021) |
Dances with Wolves | |
---|---|
Direktor | Kevin Costner[1][2][3][4][5][6][7] |
Prinodyus | Kevin Costner |
Itinatampok sina | Mary McDonnell,[2][4][5][8][6][7][9] Kevin Costner[1][2][4][5][8][6][7][9] |
Tagapamahagi | Netflix |
Inilabas noong | 9 Nobyembre 1990[10] |
Haba | 181 minuto |
Bansa | Estados Unidos ng Amerika |
Wika | Ingles |
Badyet | 22,000,000 Dolyar ng Estados Unidos |
Kita | 424,208,848 Dolyar ng Estados Unidos[10] |
Nilikha at pinaunlad ito ng direktor at artista sa pelikulang si Kevin Costner sa loob ng limang mga taon. Nagkaroon ng mataas na kahalagahang pamproduksyon ang pelikula[11] at nagwagi ng 7 mga Gantimpala ng Akademya at ng Gantimpalang Ginintuang Globo para sa Pinakamahusay na Gumagalaw na Larawan sa Drama.[12] Karamihan sa mga diyalogo ang nasa wikang Lakota na may mga subtitulong Ingles. Kinuhan ang pelikula sa Timog Dakota at Wyoming.
Noong 2007, napili ang Dances with Wolves para sa preserbasyon o pagpapanatili at pangangalaga ng Pambansang Rehistro ng Pelikula ng Estados Unidos ng Aklatan ng Kongreso dahil sa pangkalinangan, pangkasaysayan, at pang-estetikang kahalagahan nito."[13]