![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/9/90/Rizal_Shrine_Outdoor_%2528Calamba%252C_Laguna%2529.jpg/640px-Rizal_Shrine_Outdoor_%2528Calamba%252C_Laguna%2529.jpg&w=640&q=50)
Dambanang Rizal (Calamba)
museo para kay José Rizal sa Calamba, Laguna; pook ng kapanganakan ni Rizal / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Dambanang Rizal ay isang kopya ng orihinal na dalawang palapag, istilong kastilang-kolonyal na bahay sa Calamba, Laguna kung saan ipinanganak si José Rizal noong Hunyo 19, 1861.[1] Si Rizal ay isa sa mga itinuturing na dakilang bayani ng Pilipinas.[2] Ang bahay ay itinalaga bilang isang Pambansang Dambana (Antas 1) sa pamamagitan ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa kahabaan ng Mercado Street at Rizal Street sa Poblacion 5 ng Calamba at malapit sa Simbahan ng Parokya ng San Juan Bautista at sa Dalubhasaang Panlungsod ng Calamba.
Agarang impormasyon Iba pang pangalan, Pangkalahatang impormasyon ...
Dambanang Rizal sa Calamba | |
---|---|
Rizal Shrine Calamba | |
![]() Monumento ng batang si Rizal at ang dambana sa Calamba | |
Iba pang pangalan | Bahay ni Rizal, Lugar ng Kapanganakan ni Rizal |
Pangkalahatang impormasyon | |
Katayuan | Kumpleto |
Uri | Mansion |
Estilong arkitektural | Bahay na Bato |
Kinaroroonan | Dambanang Rizal |
Pahatiran | Francisco Mercado St. cor. Jose P. Rizal St., Brgy. 5, Poblacion |
Bayan o lungsod | Calamba, Laguna |
Bansa | Pilipinas |
Mga koordinado | 14.213677°N 121.166827°E / 14.213677; 121.166827 |
Pagpapasinaya | Hunyo 19, 1950 |
Inayos | 1949 |
May-ari | Pamahalaan ng Pilipinas |
Teknikal na mga detalye | |
Materyales | Bato, Bricks, at Kahoy |
Bilang ng palapag | Dalawang palapag na may hiwalay na gusaling ginagamit bilang museo at audio-visual room |
Mga pagtutukoy | Pambansang Dambana (Level 1) |
Nag-ayos na koponan | |
Arkitekto | Juan F. Nakpil |
Iba pang impormasyon | |
Bilang ng mga silid | 3 |
Isara