Ang Daang Naguilian (Ingles: Naguilian Road), na kilala nang opisyal bilang Lansangang Quirino (Quirino Highway) at tinatawag ding Daang Baguio-Bauang (Ingles: Baguio-Bauang Road), ay isang pangunahing lansangan sa hilagang Luzon, Pilipinas, na dumadaan mula Baguio hanggang sa bayan ng Bauang sa lalawigan ng La Union. May haba na 46 kilometro (28.6 milya)[1] ang lansangan, at dumadaan ito sa mga bayan ng Tuba at Sablan sa Benguet, at Burgos, Naguilian, at Bauang sa La Union.[1][2] Ang silangang dulo nito ay sa Daang Abanao sa Baguio, at ang kanlurang dulo nito ay sa Lansangang MacArthur sa Bauang.

Agarang impormasyon Daang Naguilian Naguilian Road, Impormasyon sa ruta ...

Thumb

Daang Naguilian
Naguilian Road
Lansangang Quirino (Quirino Highway)
Daang Baguio–Bauang (Baguio–Bauang Road)
Thumb
Bahagi ng Daang Naguilian sa Burgos, La Union.
Impormasyon sa ruta
Haba46.0 km (28.6 mi)
Bahagi ng
  • N54
Pangunahing daanan
Dulo sa silanganDaang Abanao sa Baguio
Dulo sa kanluranLansangang MacArthur sa Bauang
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodBaguio
Mga bayanBauang, Burgos, Naguilian, Sablan, Tuba
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas
Isara

Nagsisilbi ito bilang isa sa mga pangunahing ruta papasok ng Baguio.[3] Kadalasang ginagamit ito ng mga motorista na galing sa lungsod ng San Fernando, gayundin mga hilagang lalawigan ng Ilocos, para makapasok ng lungsod.[1]

Kasaysayan

Ang Daang Naguilian ay ang kauna-unahang daan na nag-uugnay ng Baguio sa mga kababaang pook, at ang katangi-tanging daan papasok ng lungsod, hanggang sa itinayo ang Daang Kennon noong 1901.[4]

Binigyan ito ng bagong pangalan na Lansangan ng Pangulong Elpidio Quirino (President Elpidio Quirino Highway), sa karangalan ni dating Pangulo Elpidio Quirino.[5][6] Bagaman kilala ito nang opisyal bilang Quirino Highway, nakasanayan na ng madla na tawagin ito sa dating pangalan nito na Naguilian Road.[7]

Tingnan din

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.