From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Cuasso al Monte ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Varese, rehiyon ng Lombardia, hilagang Italya, na matatagpuan mga 50 kilometro (31 mi) hilagang-kanluran ng Milan at mga 6 kilometro (4 mi) hilagang-silangan ng Varese. Noong Disyembre 31, 2004, mayroon itong populasyon na 3,252 at may sukat na 16.4 square kilometre (6.3 mi kuw).[3] Kinuha nito ang pangalan mula sa Lombardong terminong Chaos, (kublihan). Samantalang ang terminong "al monte" ay tumutukoy sa katotohanang ito ay matatagpuan sa paanan ng Monte Piambello.[4]
Cuasso al Monte | |
---|---|
Comune di Cuasso al Monte | |
Mga koordinado: 45°52′N 8°52′E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Lombardia |
Lalawigan | Varese (VA) |
Lawak | |
• Kabuuan | 16.18 km2 (6.25 milya kuwadrado) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 3,613 |
• Kapal | 220/km2 (580/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 21050 |
Kodigo sa pagpihit | 0332 |
Websayt | Opisyal na website |
Ang Cuasso al Monte ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Arcisate, Besano, Bisuschio, Brusimpiano, Cugliate-Fabiasco, Marchirolo, Marzio, Porto Ceresio, at Valganna. Ang nayon ay bahagi ng Liwasang Cinque Vette at ito ay nasa paanan ng Monte Piambello.
Sa diyosesis ng Milan, ang parokya ng Cuasso al Monte ay itinayo noong Oktubre 31, 1574 (Mga Dekreto ng Parokyang Simbahan ng Arcisate, 1482-1598). Sa pagitan ng ika-16 at ika-18 siglo, ang parokya ng Sant'Ambrogio di Cuasso al Monte ay patuloy na naaalala sa mga dokumento ng mga pagbisitang pastoral na isinagawa ng mga arsobispo ng Milan at ng mga delegado ng arsobispo sa simbahan ng parokya ng Arcisate.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.