Konstantino XI Paleologus
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Constantine XI Palaiologos o Palaeologus/Konstantino XI Paleologus (Griyego: Κωνσταντίνος ΙΑ' Δραγάσης Παλαιολόγος, Kōnstantinos XI Dragasēs Palaiologos, Serbio: Konstantin XI Dragaš Paleolog Pebrero 8, 1405[1] – Mayo 29, 1453) ay ang huling nagharing Emperador Romano sa Constantinople. Siya ay kabilang sa Dinastiyang Palaiologos. Pinagharian niya ang Imperyo Romano-Bizantino mula 1449 hanggang sa kaniyang kamatayan sa pagbagsak ng kabiserang lungsod. Sa kanyang pamamahala nangyari ang paglusob ng mga Ottoman sa Constantinople. Tuluyang bumagsak ang Constantinople noong Mayo 29, 1453 sa mga Ottoman sa pamumuna ni Mehmed II at nasawi ang emperador sa digmaan.[2]
Para sa iba pang mga tao na nagngangalang Paleologus, tingnan ang Paleologus (paglilinaw).