![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/d/d4/ComicSansSpec3.svg/langtl-640px-ComicSansSpec3.svg.png&w=640&q=50)
Comic Sans
Kaswal na iskrip ng san-serif ng Tipo ng Titik nagagawa ni Vincent Connare / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Comic Sans MS (o Comic Sans) ay isang impormal na pamilya ng tipo ng titik na inihalinsunod sa mga panitik na ginamit sa mga komiks na Amerikano sa ilang nagdaang dekada. Ang "Sans" ay pinaikling salita para sa "sans-serif." Ang modernong Comic Sans ay dinisenyo ni Vincent Connare at inilabas noong taong 1994 ng Microsoft Corporation. Ito ay nauuri na di-pormal, magkakahiwalay na pagnitik, at dinisenyo upang gayahin ang makasaysayang hitsura ng pagsusulat sa komiks at para sa paggamit sa mga impormal na dokumento at mga materyal na pang-bata.[1]
![]() | |
Kategorya | Script |
---|---|
Mga nagdisenyo | Vincent Connare |
Foundry | Microsoft |
Petsa ng pagkalabas | Oktubre 1994; 29 taon ang nakalipas (1994-10) |
Ang pagtitik na ito ay kasama na sa Microsoft Windows mula pa noong ipinakilala ang Windows 95, sa una bilang isang pandagdag na tipo ng titik sa Windows Plus Pack at kalaunan sa Microsoft Comic Chat. Ang malawakang paggamit ng panitik na ito, kadalasan sa mga sitwasyon na kung saan hindi ito ay inilaan, ay napipintasan.[2]