![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/d/d9/Filipino_Beef_Burger.jpg/640px-Filipino_Beef_Burger.jpg&w=640&q=50)
Hamburger
pagkain na binubuo ng bakang patty sa gitna ng dalawang bilugang tinapay / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang hamburger o burger ay sandwits na may patty na gawa sa giniling na karne, kadalasan baka—na ipinalaman sa loob ng dalawang hati ng tinapay.[1] Madalas sinasahugan ito ng keso, letsugas, kamatis, sibuyas, pikels, bacon o sili, at nilalagyan ng mga kondimento tulad ng ketsap, mustasa, mayonesa o "sarsang espesyal", kadalasan isang baryasyon ng sarsang Libong Pulo. Kapag may palamang keso sa ibabaw ng hamburger patty, tinatawag itong cheeseburger ("keso burger").[2]
![]() | |
Kurso | Ulam |
---|---|
Lugar | Estados Unidos |
Gumawa | Maraming nag-aangkin |
Ihain nang | Mainit |
Pangunahing Sangkap | Giniling na karne, tinapay |
|
Ibinebenta ang mga hamburger sa mga bilihan ng pangmadaliang pagkain at iba pang restawran. Napakaraming mga baryasyon ng hamburger ayon sa bansa at rehiyon. Isa sa mga pangunahing produkto ng ilan sa mga pinakamalaking multinasyonal na fast-food chain sa ang burger: ang Big Mac ng McDo at Whopper ng Burger King ay naging mga pandaigdigang ikono ng kulturang Amerikano.[3][4]