Cely Bautista
Pilipinong mang-aawit / From Wikipedia, the free encyclopedia
Gumagamit ang pangalang ito ng nakaugaling pagpapangalang Pilipino; ang gitnang pangalan o apelyido ng ina ay Pimentel at ang apelyido ng ama ay Bautista.
Si Maria Cecilia Pimentel Bautista (Mayo 4, 1939 – Setyembre 27, 2018), na mas kilala bilang Cely Bautista, ay isang sikat na mang-aawit na Pilipino mula dekada 50 hanggang dekada 70. Una niyang isinaplaka ang awiting "Waldas" noong dekada singkuwenta sa ilalim ng Mico Records. Nagpatuloy ang kanyang pag-awit hanggang sa umabot ang dekada sisenta at nakaganap sa ilang mga pelikula. Naging miyembro din siya ng Mabuhay Singers noong 1958 sa ilalim ng direksyon ng musika ni Leopoldo Silos.
Agarang impormasyon Pangalan noong ipinanganak, Kapanganakan ...
Cely Bautista | |
---|---|
Pangalan noong ipinanganak | Maria Cecilia Pimentel Bautista |
Kapanganakan | 4 Mayo 1939(1939-05-04)[1] |
Pinagmulan | Lungsod ng Quezon, Pilipinas |
Kamatayan | 27 Setyembre 2018(2018-09-27) (edad 79) Lungsod ng Pasay, Pilipinas |
Trabaho | Mang-aawit |
Taong aktibo | 1944–2018 |
Label |
|
Website | Cely Bautista sa Facebook |
Isara