Candelaria, Quezon
bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Quezon / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Bayan ng Candelaria ay isang ika-1 klaseng bayan sa lalawigan ng Quezon, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 137,881 sa may 36,690 na kabahayan. Ang bayan ay matatagpuan 107 kilometro timog ng Manila at humigit-kumulang 23 kilometro mula sa Lungsod ng Lucena. Ito ay binabaybayan ng Maharlika Highway at ng Philippine National Railways' Southrail Line patungong Lungsod ng Legazpi sa Albay. Nahahangganan ito ng Bundok Banahaw sa hilaga, San Juan, Batangas sa timog, Tiaong at Dolores sa kanluran, at Sariaya sa silangan. Ang bayan ay may lawak na 175 km².
Candelaria Bayan ng Candelaria | |
---|---|
![]() Mapa ng Quezon na nagpapakita ng lokasyon ng Candelaria. | |
![]() | |
Mga koordinado: 13°55′52″N 121°25′24″E | |
Bansa | ![]() |
Rehiyon | Calabarzon (Rehiyong IV-A) |
Lalawigan | Quezon |
Distrito | Pangalawang Distrito ng Quezon |
Mga barangay | 25 (alamin) |
Pagkatatag | 5 Agosto 1879 |
Pamahalaan | |
• Punong-bayan | George D. Suayan |
• Manghalalal | 81,374 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 129.10 km2 (49.85 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 137,881 |
• Kapal | 1,100/km2 (2,800/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 36,690 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng bayan |
• Antas ng kahirapan | 15.85% (2021)[2] |
• Kita | ₱364,870,208.62 (2020) |
• Aset | ₱1,079,148,225.41 (2020) |
• Pananagutan | ₱318,899,717.74 (2020) |
• Paggasta | ₱268,795,343.23 (2020) |
Kodigong Pangsulat | 4323 |
PSGC | 045608000 |
Kodigong pantawag | 42 |
Uri ng klima | Tropikal na kagubatang klima |
Mga wika | wikang Tagalog |
Websayt | candelaria.gov.ph |
Ang Candelaria ay pangalawa sa pinakamalaking sentrong industriyal ng lalawigan, sunod sa Lungsod ng Lucena. Sa mga munisipalidad ng lalawigan ng Quezon, ang Candelaria ang may pinakamaraming pabrika ng desiccated coconut at oil refineries, tulad ng Peter Paul, Primex, Pacific Royal, SuperStar, Licup Oil Mills, naririto rin ang AMC Robledo's Catering na pinakauna at pinakamalaking caterer sa Southern Luzon at ibat iba pa, na nagbibigay ng trabaho sa mga libu-libong residente nito. Sa bayang ito rin matatagpuan ang isa sa mga sangay ng Dave Vergel B. Castro and Associates, isa sa pinaka-pinagkakatiwalaang engineering and planning firm sa bansa.