Bunraku
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Bunraku (文楽), na kilala rin bilang Ningyō jōruri (人形浄瑠璃), ay isang porma ng tanghalang Hapones na papet, na itinatag sa Osaka sa simula ng ika-17 siglo. Tatlong uri ng mga manananghal ang sumasama sa pagtatanghal na bunraku: ang Ningyōtsukai o Ningyōzukai (magmamanyika), ang tayū (umaawit), at mga musikerong shamisen. Sa mga okasyon, ibang instrumento gaya ng tambol na taiko ang ginagamit.
Ang pinakatumpak na termino para sa tradisyonal na papet na teatro sa Japan ay ningyō jōruri (人形浄瑠璃) . Ang kumbinasyon ng pag-awit at pagtugtog ng shamisen ay tinatawag na jōruri at ang salitang Hapones para sa papet (o mga manika, sa pangkalahatan) ay ningyō. Ginagamit ito sa maraming dula.
Ang papet na Bunraku ay dokumentadong tradisyonal na aktibidad para sa mga mamamayang Hapones sa loob ng daan-daang taon.[1]