Bundok Tai
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Bundok Tai (Tsino: 泰山; pinyin: Tài Shān) ay isang bundok na may kahalagahang pangkasaysayan at pangkalinangan na matatagpuan sa hilaga ng lungsod ng Tai'an. Ito ang pinakamataas na punto sa lalawigan ng Shandong, Tsina. Ang pinakamataas na tuktok ay ang Tuktok ng Emperador na Jade (Tsinong pinapayak: 玉皇顶; Tsinong tradisyonal: 玉皇頂; pinyin: Yùhuáng Dǐng), na karaniwang iniulat na 1,545 metro (5,069 tal) ang taas.[2]
Bundok Tai | |
---|---|
Pinakamataas na punto | |
Kataasan | 1,532.7 m (5,029 tal) |
Prominensya | 1,505 m (4,938 tal)[1] |
Pagkalista | Ultra |
Mga koordinado | 36°15′21″N 117°06′27″E[1] |
Heograpiya | |
Kamalian ng lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/China Northern Plain" nor "Template:Location map China Northern Plain" exists
| |
Heolohiya | |
Edad ng bato | Cambrian |
Uri ng bundok | metamorpiko, sedimentaryo |
Pag-akyat | |
Pinakamadaling ruta | Cable Car |
Pamantayan | Cultural: i, ii, iii, iv, v, vi; Natural: vii |
Sanggunian | 437 |
Inscription | 1987 (ika-11 sesyon) |
Lugar | 25,000 ha |
Ang Bundok Tai ay kilala bilang silangang bundok ng mga Sagradong Bundok ng Tsina. Ito ay nauugnay sa pagsikat ng araw, pagsilang, at pagpapanibago, at madalas na itinuturing na pangunahin sa lima. Ang Bundok Tai ay isang lugar ng pagsamba sa loob ng hindi bababa sa 3,000 taon at nagsilbing isa sa pinakamahalagang sentro ng seremonya ng Tsina[3] sa malalaking bahagi ng panahong ito. Dahil sa sagradong kahalagahan at dramatikong tanawin, ginawa itong Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO noong 1987. Natutugunan nito ang 7 sa 10 pamantayan sa pagsusuri ng Pandaigdigang Pamana, at nakalista bilang isang Pandaigdigang Pamanang Pook na nakakatugon sa pinakamaraming pamantayan, kasama ang Pandaigdigang Pamanang Pook ng Ilahas ng Tasmania sa Australia.
Isang lindol[4][5] o bagyong makulog[6] ang nangyari sa Mount Tai noong 1831 BK[4] o 1652 BK,[5] na kilala rin bilang lindol sa Bundok Tai. Ang pangyayaring iro ito ay unang naitala sa mga Anal ng Kawayan, at sa kasalukuyan, kinikilala ito ng karamihan sa mga iskolar bilang ang unang naitalang lindol sa kasaysayan ng Tsina.[7][8]