Bridgetown
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Bridgetown (UN/LOCODE: BB BGI)[1] ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng Barbados. Dating The Town of Saint Michael (Ang Bayan ng San Miguel), ang lugar ng Kalakhang Bridgetown sa loob ng parokya ng Saint Michael. Lokal na tinutukoy minsan ang Bridgetown bilang "The City" o "Ang Lungsod," ngunit karaniwang tinutukoy bilang ang "Town" o "Bayan." Noong 2014, ang kalakhang populasyon nito ay nasa mga 110,000.
Bridgetown | ||
---|---|---|
lungsod, big city | ||
| ||
![]() | ||
![]() | ||
Mga koordinado: 13°05′51″N 59°37′00″W | ||
Bansa | ![]() | |
Lokasyon | Saint Michael | |
Itinatag | 1628 | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 38,849,821 km2 (15,000,000 milya kuwadrado) | |
Populasyon (2014) | ||
• Kabuuan | 110,000 | |
• Kapal | 0.0028/km2 (0.0073/milya kuwadrado) | |
Websayt | http://www.barbados.org/btown.htm |
Ang puwerto ng Bridgetown, na matatagpuan sa Look ng Carlisle (sa 13.106°N 59.632°W / 13.106; -59.632 (Bridgetown port)) ay nasa timog-kanlurang baybayin ng pulo. Ang mga bahagi ng lugar ng Kalakhang Bridgetown (halos na nabibigyan ng depinisyon ng Ring Road Bypass o mas karaniwang kilala bilang ang ABC Highway),[2] ay nasa hangganan ng katabing mga parokya ng Christ Church at St. James. Noong maikling-buhay na Pederasyon ng Britong Kanlurang Indiyanong Teritoryo noong dekada 1950-1960, isa ang Bridgetown sa tatlong kabiserang mga lungsod[3] sa loob ng rehiyon na tinuturing na Pederal na kabisera ng rehiyon.[4][5]
Naitatag ang kasalukuyang lungsod ng Ingles na naninirahan noong 1628; isang nakaraang panirahan sa ilalim ng awtoridad ni Sir William Courten ay nasa St. James Town. Pangunahing destinasyon ng mga turista sa Kanlurang Indiyas ang Bridgetown, at nagsisilbi ang lungsod bilang isang mahalagang pananalapi, impormatika, sentrong kombensyon, at barkong layag na puwerto ng tawag sa rehiyong Karibe. Noong 25 Hunyo 2011, Ang "Makasaysayang Bridgetown at Garison nito" ay nadagdag bilang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO.[6][7][8]