![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/1/12/Liocarcinus_vernalis.jpg/640px-Liocarcinus_vernalis.jpg&w=640&q=50)
Brachyura
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga alimasag, alimango, o talangka (Ingles: mga crab) ay mga krustasyanong dekapoda ng inpra-ordeng Brachyura, na karaniwang mayroong napakaikling "buntot" (Griyego: βραχύ / brachy = maiksi, ουρά/οura = buntot), o kung saan ang pinaliit na tiyan ay nakakubli ng buo sa ilalim ng toraks. Pangkaraniwan silang natatakpan ng isang makapal na eksoskeleton, at may panandatang isang pares ng mga sipit (chelae). 6,793 mga uri ang nakikilala.[1] Matatagpuan ang mga alimasag sa lahat ng mga karagatan ng mundo. Bilang karagdagab, marami ring mga alimasag sa tubig-tabang at sa lupa, partikular na sa mga rehiyong tropikal. Sari-sari ang sukat at laki ng mga alimasag, mula sa talangkang gisantes, na iilang mga milimentro lamang ang lapad, hanggang sa Hapones na gagambang alimasag, na may haba ng hitang umaabot sa 4 m.[2]
Mga alimasag, alimango, o talangka | |
---|---|
![]() | |
Liocarcinus vernalis | |
Klasipikasyong pang-agham ![]() | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Arthropoda |
Subpilo: | Crustacea |
Hati: | Malacostraca |
Orden: | Decapoda |
Suborden: | Pleocyemata |
Infraorden: | Brachyura Linnaeus, 1758 |
Mga super-pamilya | |
|