From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Bra (Italyano: [ˈBra], Piamontes: [ˈbrɑ]) ay isang bayan at komuna sa lalawigan ng Cuneo sa hilagang-kanlurang rehiyon ng Italya ng Piamonte. Matatagpuan ito sa 50 kilometro (31 mi) timog-silangan ng Turin at 50 kilometro (31 mi) hilagang-silangan ng Cuneo sa lugar na kilala bilang Roero.
Bra | |
---|---|
Comune di Bra | |
Mga koordinado: 44°42′N 7°51′E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Piedmont |
Lalawigan | Lalawigan ng Cuneo (CN) |
Mga frazione | Bandito, Boschetto, Borgo Nuovo, Cà del Bosco, Castelletto, Chiossa, Crociera Burdina, Falchetto, Grione, Matrotti, Piumati, Pollenzo, Quinto Bianco, Riva, Rivo, Ronchi, Sabecco Superiore, San Matteo, San Maurizio, Sant'Agnese, Scatoleri, San Michele, Tetti Bona, Tetti Milanesi, Tetti Rasa |
Pamahalaan | |
• Mayor | Giovanni Fogliato |
Lawak | |
• Kabuuan | 59.53 km2 (22.98 milya kuwadrado) |
Taas | 285 m (935 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 29,645 |
• Kapal | 500/km2 (1,300/milya kuwadrado) |
Demonym | Braidese(i) |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 12042 |
Kodigo sa pagpihit | 0172 |
Santong Patron | Madonna dei Fiori |
Saint day | Setyembre 8 |
Websayt | Opisyal na website |
Ang Bra ay ang lugar ng kapanganakan ng feministang pilosopong si Adriana Cavarero, politiko na si Emma Bonino, at ng aktibistng si Carlo Petrini, nagtatag ng kilusang Slow Food at ng unang Unibersidad ng mga Agham Gastronomiko sa mundo, na ang pangunahing campus ay matatagpuan sa loob ng mga hangganan ng munisipyo ng Bra sa Pollenzo. Ang Bra ay tahanan din ng "Keso," isang pagdiriwang pang-internasyonal na pagdiriwang kada dalawang taon na inoorganisa ng Slow Food na nagtatampok ng mga gumagawa ng artisanal na keso mula sa buong mundo. Noong 1997 ang kapistahan ay nakalikom na ng 150,000 bisita.[3]
Nangyayari ang mga prusisyon sa panahon ng Pasko ng Pagkabuhay; ang Addolorata ay isinasagawa tuwing Biyernes ng gabi ng linggo bago ang Pasko ng Pagkabuhay, sa inisyatiba ng Cofradia ng Habag (Battuti Neri) at ng Resureksiyon na nangyayari sa hapon ng pasko ng Pagkabuhay ng Cofradia ng Banal na Santatlo (Battuti Bianchi).
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.