From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang biyoimpormatika ay ang pag-aaral ng malalaking mga dami ng impormasyong biyolohikal o kabatirang pambiyolohiya. Sa karamihan, tumutuon ito sa mga molekulang katulad ng DNA. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng tulong ng mga kompyuter. Kung kaya't ito ang paggamit ng estadistika at agham pangkompyuter sa larangan ng biyolohiyang molekular. Ang katawagang biyoimpormatika ay inimbento nina Paulien Hogeweg at Ben Hesper noong 1978 para sa pag-aaral ng mga prosesong pangkabatiran o impormatika sa mga sistemang biyotiko[1]. Magmula noong hindi bababa sa hulihan ng dekada ng 1980, ang pangunahing gamit nito ay ang sa henomiks (henomika) at henetika, partikular na sa mga area ng henomiks na kinasasangkutan ng may malakihang sukat na pagsesekuwensiya ng DNA. Sa kasalukuyan, kinasasangkutan na ang biyoimpormatika ng paglikha at pagpapasulong ng mga kalipunan ng dato (database), mga algoritmo, mga teknikong pangkomputasyon at pang-estadistika at teoriya upang malutas ang mga suliraning pormal at praktikal na nagmumula sa pamamahala at pagsusuri ng datong pambiyolohiya.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.