![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/3/30/Sticky_RIce_Cake_Biko.jpg/640px-Sticky_RIce_Cake_Biko.jpg&w=640&q=50)
Biko
matamis na kakanin mula sa Pilipinas / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang biko ay isang uri ng matamis na kakanin mula sa Pilipinas. Gawa ito sa gata,[1] pulang asukal, at malagkit. Karaniwang pinapatungan ito ng latik (kulta man o malakaramelong sirup). Isa itong uri ng kalamay at magkahawig ang paghahanda ng mga ito, ngunit sa biko hindi ginigilingan ang bigas para maging masa. Minsan pinapakete at ibinebenta ang mga ito bilang suman.[2][3]
![]() Mga kubikadong biko na binudburan ng latik | |
Ibang tawag | Inkiwar, sinukmani, sinukmaneng, sumang Inilonggo, wadjit, wadit, wagit |
---|---|
Kurso | Minandal |
Lugar | Pilipinas |
Ihain nang | Mainit, temperatura ng silid |
Pangunahing Sangkap | Malagkit, pulang asukal, gata |
Baryasyon | Kalamay |
Mga katulad | Yaksik, shwe htamin |
|
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/d/da/Biko_with_latik.jpg/640px-Biko_with_latik.jpg)
Kilala rin ito bilang inkiwar sa mga Ilokano at sinukmani o sinukmaneng sa Timog Luzon. Sa mga rehiyong Muslim sa Pilipinas, kilala ito bilang wadjit sa Tausug; wadit sa Maranaw; at wagit sa Maguindanao.[4][5]
Isang kapansin-pansing baryante ang puto maya sa mga rehiyong nagsasalita ng Sebwano sa Pilipinas. Karaniwang gawa ito sa tapol, isang uri ng lilang malagkit, na ibinababad sa tubig, pinapatuyo, at nilalagay sa istimer ng 30 minuto. Pagkatapos, hinahalo ito sa gata, asin, asukal at katas ng luya at ibinabalik sa istimer ng 25-30 minuto.[6]
Maaari ding ihanda ang biko kasama ng iba pang karaniwang Pilipinong sangkap. Kabilang sa mga halimbawa ang ube-biko na sinasangkapan ng ube, at pandan biko na sinasangkapan ng katas ng dahong pandan; katangiang malalim na lila at maliwanag na berde ang mga ito, ayon sa pagkakabanggit.[7][8]