![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/8/81/Peking_Duck%252C_2014_%252802%2529.jpg/640px-Peking_Duck%252C_2014_%252802%2529.jpg&w=640&q=50)
Bibing Peking
nilitsong bibe mula sa Beijing (Peking) / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang bibing Peking o patong Peking ay isang ulam na bibi mula sa Beijing (Peking)[lower-alpha 1] na inihahanda magmula pa noong panahon ng imperyo. Kilala ito dahil sa manipis at malutong na balat, at kapag awtentiko ito, balat ang karamihan ng inihahain, kaunti lamang ang laman, at hinihiwa ng kusinero sa harapan ng mga kumakain. Ang mga bibing sadyang inaalagaan para sa lutuing ito ay kinakatay pagkaraan ng 65 araw at tinitimplahan bago litsunin o hurnuhin sa loob ng hurnuhang sarado o kulong. Kalimitang kinakain ang karne nito na may kasamang dahon ng sibuyas, pipino at sarsang tianmian, at binabalutan ng spring pancake ang mga palaman. Minsan nilalagyan din ito ng inatsarang labanos. Isang baryasyon ng lutuing ito ang kilala bilang xiang su ya (lit. malutong na aromatikong bibi) na sikat sa Reyno Unido.
Bibing Peking | |||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
![]() Hiniwang bibing Peking para maipakita | |||||||||||||||
Tradisyunal na Tsino | 北京烤鴨 | ||||||||||||||
Pinapayak na Tsino | 北京烤鸭 | ||||||||||||||
Kahulugang literal | inihaw na pato ng Beijing | ||||||||||||||
| |||||||||||||||