![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/5/57/Attributed_to_Abraham_van_Dijck_001.jpg/640px-Attributed_to_Abraham_van_Dijck_001.jpg&w=640&q=50)
Benjamin
From Wikipedia, the free encyclopedia
Para sa ibang mga gamit, tingnan ang Benjamin.
Para sa ibang mga gamit, tingnan ang Benoni.
Si Benjamin (Hebreo: בִּנְיָמִין, Moderno: Binyamin, Tiberiano: Binyāmîn), sa Aklat ng Henesis, ay isang anak na lalaki ni Jacob, ang ikalawa at huling anak na lalaki ni Raquel (o Rachel), at ang tagapagtatag ng Israelitang Tribo ni Benjamin.[2] Sa makabibliyang paglalahad, hindi tulad ng unang anak na lalaki ni Raquel na si Jose na ama nina Efraim at Manases, ipinanganak si Benjamin makalipas na marating nina Jacob at Raquel ang Canaan. Dating tinatawag si Benjamin bilang Benoni o Ben Oni na ngangahulugang "anak sa paghihirap". Samantala, may ibig sabihin namang "anak ng kanang kamay" o "anak ng mabuting kapalaran" ang Benjamin.[3]