Baybay, Leyte
lungsod ng Pilipinas sa lalawigan ng Leyte / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Lungsod ng Baybay ay isang Lungsod o Siyudad sa lalawigan ng Leyte, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 111,848 sa may 28,135 na kabahayan. Ito ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng probinsiya ng Leyte. Ito ay pinaliligiran ng mga bayan ng Albuera, Leyte sa hilaga, bayan ng Inopacan, Leyte sa timog, bayan ng Burauen, Leyte, La Paz, Leyte at MacArthur, Leyte sa hilagang-silangan, bayan ng Javier, Leyte sa silangan at bayan ng Mahaplag, Leyte at Abuyog, Leyte sa timog-silangan. Matatagpuan din ang Camotes Sea sa kanluran nito. Ito ay matatagpuan 600 na kilometro sa Kalakhang Maynila, 57 na kilometrong nautical sa Lungsod ng Cebu, 44 na kilometro timog ng Lungsod ng Ormoc, 105 na kilometro kanluran ng Lungsod ng Tacloban at 54 na kilometro hilaga ng Lungsod ng Maasin.
Baybay Lungsod ng Baybay | |
---|---|
Mapa ng Leyte na nagpapakita ng lokasyon ng Bayba\y. | |
Mga koordinado: 10°41′N 124°48′E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Silangang Kabisayaan (Rehiyong VIII) |
Lalawigan | Leyte |
Mga barangay | 92 (alamin) |
Pagkatatag | 1620 |
Ganap na Lungsod | 16 Hunyo 2007 |
Pamahalaan | |
• Punong Lungsod | Jose Carlos L. Cari |
• Manghalalal | 70,431 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 459.30 km2 (177.34 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 111,848 |
• Kapal | 240/km2 (630/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 28,135 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng bayan |
• Antas ng kahirapan | 26.02% (2021)[2] |
• Kita | ₱1,101,259,103.24 (2020) |
• Aset | ₱4,072,953,031.37 (2020) |
• Pananagutan | ₱550,319,552.04 (2020) |
• Paggasta | ₱673,745,522.59 (2020) |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) |
Kodigong Pangsulat | 6521 |
PSGC | 0803708000 |
Kodigong pantawag | 53 |
Uri ng klima | Tropikal na kagubatang klima |
Mga wika | Wikang Baybay Sebwano wikang Tagalog |
Websayt | baybaycity.gov.ph |
Ang lungsod na ito ay pumapangalawa sa pinakamalaking lungsod sa Leyte pagkatapos ng Lungsod ng Ormoc {ayon sa laki at lawak ng lupain} na may sukat na 459.34 km2 o 45,934 ektarya. Nang ang lungsod na ito ay bayan pa at kabilang sa Leyte, ito ang pinakamalaking bayan sa buong probinsiya maging sa buong Silangang Visayas. Dahil dito, binubuo ito ng 92 na barangay, 23 ay nasa poblacion at 68 ay nasa mga liblib o rural na lugar.