Bato (heolohiya)
Natural na masang buo / From Wikipedia, the free encyclopedia
Tungkol sa literal na bato ang artikulo na ito. Para sa senador at hepe ng kapulisan, tingnan ang Ronald dela Rosa. Para sa parte ng katawan ng tao, tingnan ang Bato (anatomiya). Para sa ibang mga gamit, tingnan ang Bato (paglilinaw).
Ang bato (Ingles: rock o stone) ay isang masang buo (solid mass) na nabubuo nang natural, o di kaya'y isang pinagsama-samang mineral o malamineral (mineraloid). Kinakategorya ang mga ito ayon sa mineral na meron sila, ang kanilang komposisyong kemikal at kung paano ang mga itong nabuo. Karaniwang kinakategorya ang mga bato sa tatlo: ang batong apuyin o pinalamig (igneous rocks), metamorpiko o nagbago nang nananatiling solido (metamorphic rocks), at mga batong tiningi o latak (sedimentary rocks).
Ang maagham na pag-aaral sa mga bato ay tinatawag na petrolohiya o agbato, isa sa mga pangunahing sangay ng heolohiya.[1]