Bantayog ni Rizal
primerong bantayog para kay José Rizal, matatagpuan sa Liwasang Rizal sa Maynila, Pilipinas / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Monumento ni José Rizal o Monumento ni Rizal (orihinal na pamagat: Motto Stella, Latin para sa "gumagabay na bituin") ay isang bantayog sa Liwasang Rizal sa Maynila, Pilipinas na itinayo upang alalahanin ang makabayang Pilipino na si José Rizal. Binubuo ang monumento ng isang tansong lilok ni Rizal, na may obelisko, na nakapatong sa isang patungan na kung saan nakalagak ang mga labi ng bayani.
Mga koordinado | 14.581669°N 120.976694°E / 14.581669; 120.976694 |
---|---|
Kinaroroonan | Liwasang Rizal, Maynila |
Nagdisenyo | Richard Kissling |
Uri | Mausoleo |
Materyal | Granito |
Taas | 12.7 metro (42 tal) |
Sinimulan noong | 1908 |
Natápos noong | 1913 |
Pinasinayaan noong | Disyembre 30, 1913 |
Inihandog kay | Sa alaala ni José Rizal, makabayan at martir |
Ang paikot ng monumento ay patuloy na binabantayan ng Seguridad Pangmarino at Samahang Konsorte ng Hukbong Kawal Pandagat ng Pilipinas, at ang pagpapalit ng guwardiya ay isang pang-araw-araw na ritwal. Mga 100m (330 talampakan) sa hilagang-kanluran ng monumento ay ang mismong kinaroroonan kung saan pinapatay si Rizal, na may mga diorama na sumasalaysay sa kaniyang mga huling sandali.
Isang eksaktong replika ng Monumento ni Rizal ay matatagpuan sa Madrid, Espanya sa kanto ng Avenida de Las Islas Filipinas at Calle Santander.[1][2][3]