Bansa na may malawak na impluwensiyang politikal, panlipunan, at pang-ekonomiya From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang bansang makapangyarihan o bansang may dakilang kapangyarihan (Ingles: great power, powerful country, powerful nation, powerful state) ay isang bansa, nasyon, o estadong may kakayahang magbigay ng impluwensiya sa iba pang mga bansa, nasyon, at estado sa karamihan ng mga bahagi ng mundo, kaya't binabansagang bilang dakilang kapangyarihan o pangunahing kapangyarihan sa kadalasan. Posible ito sapagkat mayroon itong malakas na malakas o matatag na matatag na puwersang pang-ekonomiya, pampolitika, at militar. Ang mga opinyon ng mga bansang ito ay isinasaalang-alang ng iba pang mga bansa bago gumawa ng kilos na diplomatiko o pangmilitar. Bilang katangian, mayroon ang mga bansang ito ng kakayahang mamagitan sa pamamagitan ng militar halos saan mang pook, at mayroon din silang banayad na kapangyarihan pangkultura, na kadalasang nasa anyo ng pamumuhunang pang-ekonomiya sa hindi gaanong mauunlad na mga bahagi ng daigdig.
Sa ngayon, itinuturing na kabilang sa mga bansang makapangyarihan ang mga sumusunod:
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.