From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Banjul (NK /bænˈdʒuːl/,[1][2] EU /ˈbɑːndʒuːl/),[1][2][3][4] opisyal ang Lungsod ng Banjul, ay ang kabisera at ang ikaapat na pinakamalaking lungsod sa Gambia. Ito ang sentro ng eponimong dibisyong administratibo kung saan tahanan sa tinatayang 400,000 residente, na ginagawang pinakamalaki at pinakamataong kalakahang lugar sa Gambia. Matatagpuan ang Banjul sa Pulo ng St Mary (Pulo ng Banjul), kung saan pumapasok ang Ilog Gambia sa Karagatang Atlantiko. Ang populasyon sa looban ng lungsod ay 31,301, kasama ang Kalakhang Lugar ng Banjul, na kinabibilangan ng Lungsod ng Banjul at ang Konseho ng Munisipyo ng Kanifing, sa isang populasyon na 413,397 (senso noong 2013).[5] Nakakonekta ang pulo sa pangunahing kalupaan sa kanluran pati ang natitirang bahagi ng Kalakhang Lugar ng Banjul sa pamamagitan ng mga tulay. May mga lantsa din ang nagkakabit sa Banjul sa pangunahing kalupaan sa kabilang banda ng ilog.
Banjul | |||
---|---|---|---|
lungsod, region of the Gambia | |||
| |||
Mga koordinado: 13°27′11″N 16°34′39″W | |||
Bansa | Gambia | ||
Lokasyon | Gambia | ||
Itinatag | 1816 | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 12.2 km2 (4.7 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2013, Senso) | |||
• Kabuuan | 31,356 | ||
• Kapal | 2,600/km2 (6,700/milya kuwadrado) | ||
Kodigo ng ISO 3166 | GM-B |
Kabilang sa atraksyon ng lungsod ang Pambansang Museo ng Gambia, Palengke ng Albert, Bahay Estado ng Banjul, Bahay Korte ng Banjul, at Museo ng Pamanang Aprikano.[6]
Ang Banjul ay ang sentro ng bansa sa ekonomiya at pamamahala at kabilang dito ang Bangko Sentral ng Gambia. Pagproseso ng mani ang pangunahing industriya ng bansa, subalit naipapadala dito ang pagkit ng bubuyog (o mantika de papel), palma, langis ng palma, at balat at kayo ng hayop mula sa daungan ng Banjul.[7]
Tahanan din ang Banjul ng Gambia Technical Training Institute (GTTI) na sangkot sa pakikisosyo sa di-kumikitang organisasyon na Power Up Gambia upang gawin ang isang programang pagsasanay sa enerhiyang solar.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.