Bandyo
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang bandyo ay isang uri ng instrumentong pangtugtugin na may kwerdas o bagting. Unang tinugtog ang bandyo ng mga aliping Aprikano sa Estados Unidos noong ilang mga daang taon na ang nakalilipas. Nagmula ang ideya ng paglikha sa bandyo mula sa iba pang mga instrumentong pangmusikang Aprikano.[1] Pinaniniwalaang nagmula ang bandyo (Ingles: banjo) sa mbanza, isang salitang Kimbundu ngunit maaaring ring hango sa Senegambiyanong salita para sa kawayang patpat para sa leeg ng bandyo.